Nadia nagbanta sa mga magsusulat tungkol sa bunsong anak

Nadia nagbanta sa mga magsusulat tungkol sa bunsong anak

Reggee Bonoan - June 27, 2024 - 08:45 AM

Nadia nagbanta sa mga magsusulat tungkol sa bunsong anak

Nadia Montenegro

“MAG-INGAT ang mga nagsusulat tungkol sa anak ko, wala akong binanggit na pangalan kung sino ang ama at gusto ko ring ipaalala sa lahat, menor de edad ang anak ko.”

Ito ang mariing sabi ni Nadia Montenegro nang makatsikahan namin kahapon sa intimate mediacon ni Sen. Robin Padilla na bibida sa pelikulang “The Gringo Honasan Story” produced by Borracho Films Production.

Nakaabang daw ang mga abogado ni Nadia tungkol dito pero kung siya ang tatanungin ay ayaw niyang magkaroon ng legal battle pero dahil 17 years old lang ang bunsong anak kaya may sabit.

Nag-trending kasi ang panayam ni Nadia kahapon kay Julius Babao para sa “Unplugged” vlog nito sa YouTube kung saan inamin ng aktres na may anak siya na hindi ang namayapang partner na si ex-mayor Boy Asistio ang ama.

Baka Bet Mo: Nadia inisa-isa ang pinagdaanan sa buhay: 14 surgeries, 7 births via caesarian, 2 lipo, 2 car accidents

Ang tanong ni Julius, “Mayroon kang anak na hindi anak ni Boy, anong kuwento nito?”

Kaya ito naitanong ng TV host-vlogger ay dahil noong Marso, 2024 ay nakapanayam ni Ogie Diaz si Baron Geisler at inamin nitong may panganay siyang anak bago sila nagpakasal ng asawang si Jamie Evangelista.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Orange Magazine (@orangemagtv)


Bagama’t walang tinukoy ang aktor kung sino ang ina ng anak ay nahulaan na kaagad ito ng netizens at kanya-kanya na silang post ng kanilang mga sagot at lumutang nga ang pangalan ni Nadia.

Sa panayam naman ng dating aktres na ngayo’y Philippine Navy reservist na kay Julius ay wala naman siyang binanggit kung sino ang ama ng kanyang anak.

Ang sabi ni Nadia, “’Yung mga nangyari sa buhay ko in the past siguro umabot sa 17 (o) 18 years na naitago ko.

“Hindi ko ito itinago sa mga taong dapat nakakaalam, hindi ko rin ito itinago sa mga mahal ko sa buhay, hindi ko itinago sa anak ko, hindi ko itinago kay Boy, hindi ko itinago sa mga kapatid ko.

“In fact, all these years it’s so difficult for other people to understand (na) ‘bakit okay sila? Bakit nagtagal sila ni Boy, bakit sila okay ng mga anak niya kung may ganito?’

Baka Bet Mo: Nanay ni Nadia ninakawan sa loob ng shopping store; nalimas ang pera sa 2 ATM card sa loob lang ng 3 minuto

“Common sense guys, sa tingin n’yo hindi ko inayos ‘to? Sa tingin n’yo hindi ko plinano ‘to? Tingin n’yo hindi ko prinoblema ‘to? Buhay ko ‘to, buhay ng anak ko, pangalan ng asawa ko, pangalan ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nadia montenegro (@officialnadiam)


“But I don’t think I owe anyone an explanation kung anuman ang ginawa ko sa buhay ko. Napatawad ako ng Panginoon, maayos na namayapa si Boy ng okay kami, maayos ang mga anak ko sa pagkakaintindi ko, wala akong pinagsinungalingan sa pamilya ko,” aniya.

Pinagsisihan ba ng aktres ang nangyaring ito sa buhay niya? “No! What I got from him was one of my biggest blessings,” sagot ni Nadia na ngayon ay staff representative na rin ni Sen. Robin sa mga hindi nito nadadaluhang pagtitipon.

Tinanong ni Julius kung anong klaseng anak ang bunso niya, “She’s the most beautiful na pinalaki kong punumpuno ng pagmamahal, punumpuno ng respeto sa tatay niya, si Boy sa nagbigay ng pangalan sa kanya, sa nagpaaral sa kanya, sa nagmahal sa kanya, walang puwedeng magkuwestiyon outside our circle, I am not unfazed by…wala akong pakialam sa kanila.

“Basta Juls kung nasaan man ako ngayon dahil sa hirap ko dahil sa hiningi kong patawad sa Panginoon at ramdam na ramdam ko na binibigay niya sa akin ang laya.

“Nu’ng nangyari ‘yan na nag-trending, kalmado lang kami sa bahay di ba? Nakakatawa feasting on somebody else’s life?” ani Nadia.

Say ni Julius, “Because you’re a celebrity alam mo naman ang showbiz, di ba?”

“Yeah but there are also people who we need to pray for in this business na talagang who are feeding, eating everyday through ruining lives of other people, ‘yun ang kailangan nating ipagdasal,” katwiran naman nito.

Muling tanong ni Julius kung hindi nito nasira ang anumang relasyon ni Nadia sa mga anak nang lumutang ang tungkol sa bunso niya.

“Juls, if there’s something that I can be proud of being a mother I make sure that in every crisis it’s just makes us stronger, it will never make us fall promise ko ‘yan sa mga anak ko, we got no one else.  Wala kaming ibang mga kakamping mag-iina kundi si Lord,” pahayag ni Nadia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nadia montenegro (@officialnadiam)


At ang malamang tanong ni Julius ay kung interesado pa ang anak na magkaroon ng relationship sa tunay nitong ama.

“As of now, hindi kasi isang beses pa lang silang nagkita tapos biglang in-announce na agad, so, asan do’n ang intension mo na magkaroon ng relationship o gusto mo ng views, gusto mong mapag-usapan o gusto mong mag-promote? Ilagay mo sa tama kung ano ang intension mo!  Kasi ramdam na ramdam ko.

“Ayaw na ng anak ko and give me a reason why? Are you even worth it to be call a dad?” tanong ni Nadia sa biological father ng anak.

Sa tsikahan namin kay Nadia kahapon ay edad 17 na ang anak at nasa Grade 12 ito at napakagandang bata.

Maraming ikinuwento si Nadia tungkol sa mga pinagdaanan ng anak na tinanong namin kung puwedeng isulat pero nakiusap siya na huwag na lang para tahimik na ang lahat lalo’t hindi naman makakatulong sa bata.

Pero inamin na noong nakipagkita ang anak sa kanyang biological father ay naganap iyon sa mismong pamamahay niya na minsan lang nangyari at hindi na mauulit pa.

“Ayaw na niya, eh, kasi nga naman in private nga di ba, tapos biglang in-announce mo sa lahat, so asan ang kapribaduhan doon?” katwiran ni Nadia.

Samantala, labis ang pagpapasalamat ni Nadia sa Diyos at sa lahat ng taong tumulong sa kanilang mag-iina dahil naipanalo nila ang kanilang laban tungkol sa mga ari-ariang iniwan sa kanila ng namayapang partner.

Masayang sabi ni Nadia, “Nakabalik na kami ng Caloocan (City), doon na kami lahat kaya ang saya ng mga bata.”

Tanong namin, “Wala na kayo sa Cainta, ‘yung binaha kayo?”

“Oo wala na sa awa ng Diyos, balik-Caloocan na kami,” sambit ni Nadia.

Sa kasalukuyan ay may tatlo pang pinag-aaral si Nadia at ang iba ay may kanya-kanya nang mga trabaho na ayon sa kanya ay nakuha lahat sa panalangin dahil iginapang niya ang mga ito sa kanilang pag-aaral.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Binati rin namin siya dahil nalampasan niya ang mahirap na training sa Philippine Navy lalo’t isa siyang PWD at napangiti si Nadia sabay turo sa Itaas dahil hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung hindi kagustuhan ng Ama.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending