Rendon, Rosmar inakusahang ‘di nagbayad sa isang resto sa Coron, true?
BINALAAN ng social media personality na si Rendon Labador ang madlang pipol laban sa ilang grupo na nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanila ni Rosmar Tan.
Sa pamamagitan ng Facebook, ipinaalam ni Rendon sa mga netizens na may mga pekeng balita na kumakalat ngayon sa social media na ang tanging motibo lang ay ang siraan at ibagsak sila ni Rosmar at ang kanilang grupo na Team Malakas.
Ito’y matapos nga silang patawan ng parusang “persona non grata” sa nasabing probinsya dahil sa pagkumpronta sa isang empleyado ng munisipyo at sa pambabastos sa opisina ng mayor sa Coron.
At ngayon nga ay inaakusahan ang grupo nila ni Rosmar na hindi raw nagbayad sa isang restaurant na kinainan nila sa Coron, Palawan
Narito ang buong FB post ni Rendon hinggil sa paninira sa kanila: “MAG INGAT SA FAKE NEWS!!! Ito po ay para matapos na ang ibang issue na gawa gawa na lang.
“Madaming tao ang mapagsamantala at ginagamit ang CORON ISSUE para manira sa grupo namin Team Malakas.
“Tungkol ito sa resto na HINDI daw kami nagbayad. Mga resto po sa Coron ang lumalapit sa amin para bumisita ang aming grupo.
“At wala po kaming naging problema sa mga resto na pinuntahan at mga owners at staff ay sobrang babait nag papasalamat.
“Sa katunayan pinost nila ang mga pictures sa kanilang mga facebook pages at naka sponsored post pa.
“Maraming salamat ulit sa mga na binisita namin, patuloy natin suportahan sila at mga negosyong nag sisimula.
Baka Bet Mo: Kyline Alcantara ka-date si Kobe Paras sa sosyal na resto, true kaya?
“Ingat lang po sa mga taong gusto ay manira at magkalat ng FAKE NEWS. Tinanggap na namin ang PERSONA NON GRATA at kami ay nag PUBLIC APOLOGY na din. Wala kaming hangad kundi tumulong sa kapwa.
“Mananatili kaming #TeamMalakas hanggat may isang taong nangangailangan ng tulong hindi kami mabubuwag!!!! Sabi nga ni Rosemarie Tan Pamulaklakin “Kapag inggit ay …….” ang pagbabahagi pa ni Rendon sa kanyang FB page.
Pagpapatuloy pa niya, “TRIVIA: Lahat ng resto na pinuntahan ay nag pasadya ng sarili kong pagkain, lahat merong nilagang kamote at boiled eggs.
REQUIREMENT ko kasi yun para pumunta ako sa mga resto nila.
“Maraming salamat! #LabLabLabador.
“Eto lang ang pakiusap ko sa mga tao, Huwag na ninyong gamitin ang mga lumang pag kakamali ko para siraan ako. Inayos ko na yan at sinusubukang mag bago.
“Kung sisiraan ninyo ako sana yung mga bagong mali nalang, madali lang naman gumawa ng bago #LabLabLabador,” dagdag pa ni Rendon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.