John Lloyd kay Isabelle Santos: Thank you Beh for coming into my life!
PINUSUAN ng mga kilig na kilig na netizens ang birthday greeting ni Isabel Santos para sa kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz.
Bago pa bumaha ang pagbati mula sa mga fans at kaibigan sa social media, nauna na ang kanyang dyowa sa pagbibigay ng mensahe para sa kanyang ika-41 kaarawan (June 24).
Nag-post si Isabel ng ilang litrato nila ni Lloydie sa Instagram na kuha mula sa mga recent trips nila together sa Pilipinas at sa iba’t ibang panig ng mundo.
Nilagyan ni Isabel ng caption ang kanyang Instagram post na, “Mahal kita beh.”
Sa isa pa niyang hiwalay na post binati uli niya si John Lloyd, “Happy birthday behbeh. Wala ka na namang battery. Tawagan mo ako pag meron na.”
View this post on Instagram
Sumagot naman si John Lloyd sa pamamagitan ng kanyang personal Instagram account, “And thank you beh for coming into my life.”
Dugtong pa niya, “Your love makes life a little less ordinary and carries me to a place where silence allows me to transform the greatness of astonishing pain and intolerable loss into an opportunity to be the person I want my son to see.”
Todo pasalamat din si Lloydie sa lahat ng ginagawa ni Isabel para sa kanya, kabilang na ang pagluluto nito for him.
“Thank you for being there beh. Thank you for your love. Please don’t ever stop cooking for me. It’s the only way I truly feel special,” sey pa ni John Lloyd.
Baka Bet Mo: John Lloyd dumalo sa isang Christmas party kasama ang rumored dyowa?
Matatandaang noong October, 2023 inamin ni John Lloyd na magdyowa sila ni Isabel na isang visual artist. Pero taong 2021 pa umano naging magkarelasyon ang dalawa.
“Si Isabel ay girlfriend ko, oo…boyfriend niya ako,” pag-amin ni Lloydie sa “Fast Talk With Boy Abunda”. “Wala (akong maikukuwento). We’re boring people.Wala kaming maikukuwento,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.