Nanette Inventor kilala pa rin ng mga kabataan bilang Doña Buding

Nanette Inventor kilala pa rin ng mga kabataan bilang Doña Buding

Ervin Santiago - June 23, 2024 - 12:15 AM

Nanette Inventor kilala pa rin ng mga kabataan bilang Doña Buding

Nanette Inventor, Carlo Orosa at Veronique del Rosario

BONGGA ang veteran actress at singer na si Nanette Inventor dahil kabilang na siya ngayon sa dumaraming bilang ng mga Viva Artists Agency artist.

Yes, pumirma na ang magaling na komedyana ng kontrata sa talent management arm ng Viva Entertainment ni Boss Vic del Rosario nitong nagdaang Martes, June 18.

Kasama niya sa contract signing ang kanyang talent manager na si Carlo Orosa (co-management) with Viva executive Veronique Del Rosario-Corpus.

Maraming plano ang Viva sa career ng beteranang aktres, kabilang na riyan ang pagbabalik niya sa pagkanta at ang exciting collaboration niya sa mga young artist ng VAA.

Baka Bet Mo: BINI, BGYO magpapasiklaban sa joint concert; Budding female star doble kara

And siyempre, mas kakaririn daw ni Nanette Inventor ang paggawa ng contents sa iba’t ibang social media platforms, tulad ng TikTok at Facebook na nae-enjoy na raw niya nang bonggang-bongga.

Sa isang bahagi ng mediacon para sa contract signing ng veteran comedienne na nagmarka sa mga TV show na “Abangan Ang Susunod Na Kabanata”, “Por Kilo” at “In The Money”, sinabi ni Miss Nanette na marami pa siyang pwedeng gawin sa showbiz sa kanyang edad ngayon.

Kaya nga raw siya napapirma ng VAA ng kontrata dahil looking forward siya sa mga bagong challenges na ibibigay sa kanya bilang artist and performer.

Pero in fairness naman sa komedyana, talagang hanggang ngayon ay pinakamarkado pa rin ang iconic character niya sa telebisyon na nagsimula noong 1983.

Ang tinutukoy namin ay ang “Penthouse Live” sa GMA 7 kung saan unang nakilala ang kanyang makasaysayang character na si Doña Leonila Evaporada Viuda de Ford, o Doña Buding.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Doña Buding is always Doña Buding” kung ilarawan siya ni Miss Nanette na talaga namang nagpatawa at nagpaligaya ng napakaraming Pinoy viewers sa loob ng ilang dekada.

“Every time I do shows in the US, the only time I stepped doing shows in the US is because of the pandemic, 2019.

“Lahat siguro ng mga nagpunta doon, ‘Ayan si Doña Buding’ even the ones in the carousel bagged ‘O ayan si Donya andyan na’ sabi ko talaga ‘hindi ako mamimigay ng pesos kasi dollars ang dala ko.’

Baka Bet Mo: Nanette Medved mas naging maingat sa pananamit, pagsasalita at pagkilos sa harap ng publiko nang dahil kay Darna

“So sabi ko sarili ko ‘bakit nagawa ko nanaman ‘yun?’ kasi nga engrained na sa akin, at hindi na talaga siya mawawala,” pahayag ng komedyana.

Inamin naman ni Miss Nanette na may mga naging setback din ang pagsikat niya bilang komedyana lalo na sa kanyang singing career.

“Nakilala ka dahil doon eh, the only way that I wanted to veer away from it was because I was being typecast.

“And I did want them to know and I wanted to tell them na huwag niyo rin kalimutan ang kanta ko kasi part ‘yun eh’, and I have rhythm in my singing and for you to get in the comedy, you need a lot of rhythm to go to the punchline,” sabi pa niya.

Pero natutuwa pa rin siya dahil kahit paano raw ay kilala pa rin siya ng mga kabataan ngayon bilang si Doña Buding sa kabila ng napakaraming mga pagbabago sa entertainment industry.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“To young generations, pinapanood pa rin nila ako, pero doon lang nila ako nakilala sabi ko nga ‘ang tindi talaga nitong Doña Buding’ well you cannot kill her, wala na patented na sa akin si Doña Buding,” sabi ni Nanette Inventor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending