Jolina balik-TV after 10 years: ‘Abangan sa grandest serye!’
MAKALIPAS ang halos isang dekada, finally, magbabalik na sa telebisyon ang binansagang Pinoy Pop Culture Icon na si Jolina Magdangal!
Ang exciting news ay ibinandera ng Dreamscape Entertainment sa social media.
Magiging parte si Jolina sa cast ng upcoming revenge series na “Lavender Fields” kasama sina Jodi Sta. Maria, Janine Gutierrez at Jericho Rosales.
Ayon sa production company, ang gagampanang role ni Jolina ay bilang si “Lily Atienza.”
“This is the Iconic Return of the Pinoy Pop Culture Icon sa Primetime Bida! Abangan si Jolina Magdangal sa GRANDEST SERYE ng taon,” caption sa Instagram post.
Baka Bet Mo: Jolina Magdangal ultimate dream na makatrabaho si Charo Santos; gustong sumabak sa pagkokontrabida
View this post on Instagram
Kung maaalala, taong 2015 pa ang huling teleserye ng 45-year-old award-winning actress-singer kung saan bumida siya sa “FlordeLiza” katambal si Marvin Agustin.
Bukod sa pagiging hitmaker at recording artist, si Jolina ay naging star rin ng ilang proyekto, kabilang na ang “Labs Kita…Okey Ka Lang?” (1998), “Labs Ko si Babe” (1999), “Gimik” (1996) at “Esperanza” (1997–1999).
Sa kasalukuyan, siya ang isa sa mainstay hosts ng morning talk show na “Magandang Buhay” kasama sina Melai Cantiveros at Regine Velasquez.
Samantala, sa kanyang interview with Billboard Philippines, proud niyang inalala ang pagiging Queen of Pop Culture dahil sa kanyang natatanging pop music at camp style.
“In a way, nakaka-honor rin pakinggan [‘yun], kasi ibig sabihin may naiambag talaga ako sa kultura,” sey niya.
Nabanggit din niya na proud na proud niyang kinukwento sa kanyang mga anak ang kanyang journey sa mundo ng showbiz.
“Ang dami kong pinagdaanan talaga, and para mabigyan ka ng ganoong title, parang may na-mark na ako na panahon…Kaya ako na-pro-proud kasi ang sarap ikwento sa mga anak ko,” chika ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.