Netizens nainis sa duguang photo ni Marian: Nasaan ang hustisya?

Netizens ‘nainis’ sa litrato ni Marian na duguan: Nasaan ang hustisya?

Ervin Santiago - June 20, 2024 - 09:31 AM

Netizens 'nainis' sa litrato ni Marian na duguan: Nasaan ang hustisya?

Marian Rivera

SIGURADONG kakaibang Marian Rivera ang mapapanood ng mga Filipino viewers sa Cinemalaya 2024 entry na “Balota!”

Makikita sa isang BTS (behind the scene) photo ng Kapuso Primetime Queen ang karakter niya bilang si Emmy na sugatan at nasa gitna ng gubat.

Si Emmy ay isang teacher na magsisilbing poll watcher sa eleksyon at magbubuwis-buhay para protektahan ang huling balota matapos magkagulo sa kanilang bayan.

Baka Bet Mo: John Lloyd kumasa sa bagong hamon ng Cinemalaya 2022

Dahil sa kakaiba at makabuluhan nitong kuwento, marami na ang excited na mapanood ang collaboration ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


Mismong si Marian ay looking forward na ring mapanood ang kabuuan ng pelikula at talagang napamahal na raw sa kanya ang naturang proyekto. Kaya for sure, intense at all-out na aktingan na naman ang ipapakita ng wifey ni Dingdong Dantes sa “Balota!”

Samantala, nalalapit na rin ang pagtatapos ng hit primetime series ni Marian na “My Guardian Alien.” Matutuloy pa kaya ang happily ever after nina Grace (Marian) at Carlos (Gabby Concepcion) kahit aalis din naman sa Earth ang most loving alien?

Subaybayan ang “My Guardian Alien,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.

Baka Bet Mo: US filmmaker isinali ang premyadong LGBTQ horror-love story sa Cinemalaya 2021

Samantala, speaking of “Balota”, marami naman ang “nainis” na netizens kay Marian dahil sa lumabas na litrato ng aktres para sa teaser ng movie.

Sa naturang photo, nakasuot si Marian ng uniform ng teacher na punumpuno ng putik at may dugo pa sa mukha. Pero reaksyon nga ng mga fans, kahit daw ganu’n ang itsura ni Marian ay lutang na lutang pa rin ang ganda nito.

Kahit nga ang aktres at public servant na si Aiko Melendez ay napa-comment sa photo ni Marian, “Ang ganda pa din niya.”

Narito pa ang ilan sa naging reaksyon ng netizens sa putikan at duguang litrato ng asawa ni Dong.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


“Sana all na lang talaga. Kahit ganyan hitsura niya maganda pa din. Ako naligo na, nagmake up na’t lahat mukha pa din gusgusin.”

“Nakakaloka! Putikan at duguan na ang pretty pa rin. Bakit ka ganyan Marian! NapakaGANDA mo!”

“The picture says all.. Inambush mga tagabantay balota mukhang maganda nga.”

“Ang ganda pa din ni Marian kahit madungis pag ako yan napagkamalan na akong taong grasa.”

“Kahit gusgusin lutang parin Ang Ganda ni Queen Marian Rivera.”

“No make up Pero maganda padin Sana all”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Maganda pa rin siya, nasan ang hustisya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending