Bela naimbyerna dahil sa fake news: Not married yet, guys!

Bela naimbyerna dahil sa fake news: Not married yet, guys!

Pauline del Rosario - June 17, 2024 - 11:14 AM

Bela naimbyerna dahil sa fake news: Not married yet, guys!

PHOTO: Instagram/@bela

HINDI pa married o kasal ang aktres na si Bela Padilla sa kanyang Swiss boyfriend na si Norman Bay.

‘Yan ang iginiit mismo ni Bela sa kanyang social media pages matapos makatanggap ng maraming “congratulatory” messages mula sa kanyang mga kaibigan.

May kumakalat kasing video na ipinapakita ang pictures sa nangyaring wedding day umano ng couple sa Switzerland.

Makikita na talagang nakasuot ng wedding gown ang aktres at may litrato pa na tila naglalakad sa red carpet ng isang simbahan.

Pero pinabulaanan naman agad ‘yan ni Bela at nilinaw na hindi pa siya ikinakasal.

“Not married. Stop congratulating me guys [LAUGHING EMOJI],” saad niya sa X (dating Twitter).

Baka Bet Mo: Bela Padilla inaming nabiktima ng ‘ghosting’ bago makilala ang partner na si Norman Bay

May post din siya sa Instagram Story at inaming nasira ang kanyang araw dahil marami na raw ang bumabati sa kanya.

“Nothing to ruin your day like getting congratulatory messages from people you know cause a YouTube account keeps posting clickbait videos that you got married,” sey niya sa post.

Giit pa niya, “Not married yet, guys. Save the congratulatory for another day.”

Bela naimbyerna dahil sa fake news: Not married yet, guys!

PHOTO: Instagram Story/@bela

Sa isa pang post, ramdam na tila nairita na si Bela at humingi na siya ng tulong sa netizens na i-report na ang nasabing account.

Ayon pa sa kanya, ang mga pictures na ginamit sa video ay mga eksena mula sa pinagbidahan niyang teleserye noon.

“Can we all please report this account that keeps spreading fake news. That clickbait photo is from a teleserye scene [thumbs down emoji],” ani ni Bela.

Magugunita noong Pebrero lamang nang ipinagdiriwang nina Bela at Norman ang apat na taong magkarelasyon.

October 2020 nang ipinakilala ng aktres sa publiko ang kanyang foreign boyfriend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong December 2017 naman nang unang nagkakilala ang couple, habang nagte-taping ang aktres sa Switzerland para sa romantic film na “Meet Me in St. Gallen.”

Naging consistent ang kanilang komunikasyon hanggang sa maging magdyowa na nga sila.

Sa mga dating interview, ipinaliwanag ni Bela na kaya siya lumipat sa London ay hindi dahil sa kanyang boyfriend, pero nandoon din kasi nakatira ang kanyang pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending