Proyekto nina Sharon at Julia inaabangan na ng fans, tampok daw si Sam Milby?
WAITING ang fans nina Sharon Cuneta at Julia Montes kung kailan ang announcement para sa pagsasamahan nilang teleserye sa ABS-CBN.
Matagal na palang alam ng Sharonians at Julianians ang tungkol sa nilulutong project para sa dalawang aktres, pero hindi pa nila alam kung sino ang makakasama ng dalawa.
Ni-repost ng Solid Shawie ang post ng @officialkpex na makikita ang larawan nina Sharon at Julia na ang caption ay, “THE MEGA COMEBACK!”
“SCOOP: Julia Montes at Sharon Cuneta pasabog ang comeback sa isang bigating Kapamilya serye under Dreamscape Entertainment!” ani pa.
Baka Bet Mo: Sharon Cuneta sa kaso laban kay Cristy Fermin: There’s so much unfairness
THE MEGA COMEBACK!
SCOOP: Julia Montes at Sharon Cuneta, pasabog ang comeback sa isang bigating Kapamilya serye under Dreamscape Entertainment! pic.twitter.com/dXT45T32RI
— KPEx Official (@OfficialKpex) June 14, 2024
Finally, natupad na ang pangarap ng dalawang aktres na muli silang magkasama sa isang drama series!
Kung matatandaan, nauna nila itong nabanggit last year nang maging guest si Sharon sa “Magandang Buhay” kasabay ng kanyang kaarawan at isa pa nga si Julia sa naging surprise guest for her.
Itinuring na isa sa “anak” ni Shawie si Julia nang magkasama sila sa “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan gumanap silang mag-ina.
Wala pang detalye kung ano ang magiging role nina Sharon at Julia at kung sino ang direkor dahil hindi pa kami sinagot ng tinanungan namin sa ABS-CBN, pero sinabi sa amin na makakasama si Sam Milby sa serye.
Kung tuloy nga si Sam ay reunion serye nila ito ni Julia na nauna silang nagkasama sa “Doble Kara” na umabot ng dalawang taon o season 6 handog ng Dreamscape Entertainment mula sa direksyon nina Emmanuel “Manny” Q. Palo, Erick C. Salud, Trina Dayrit, Jon Villarin at Jojo Saguin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.