Ellen, Derek magkaka-baby na raw, nagbigay na nga ba ng clue?

Ellen, Derek magkaka-baby na raw, nagbigay na nga ba ng clue?

Pauline del Rosario - June 16, 2024 - 11:23 AM

Ellen, Derek magkaka-baby na raw, nagbigay na nga ba ng clue?

PHOTO: Instagram/@ramsayderek07

ABANG na abang ang maraming fans, lalo na ang mga Marites sa tila pa-surprise ng celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Ang hula kasi ng marami, buntis na si Ellen sa first baby nila ni Derek!

Pero, trulili kaya ang kumakalat na chikang ito?

Trending sa social media ang recent Instagram post ng batikang aktor na ibinabandera ang ilang sweet pictures nila ng misis, pati rin ang ilang litrato nilang tatlo kasama ang step son na si Elias.

Ang caption niya riyan, “Can’t wait @maria.elena.adarna Alam mo na! Lol”

Baka Bet Mo: Ellen Adarna hindi humihingi ng pera kay Derek Ramsay: I wasn’t raised like that

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)

Nag-reply naman diyan si Ellen at tinanong sa mister,  “When are u coming home ba???? Loll”

Sagot sa kanya ni Derek, “@maria.elena.adarna soooooooon! Relax ka lang dyan ok [happy face with heart eyes emoji].”

Walang idinetalye ang mag-asawa, kaya naman ang netizens may kanya-kanyang comment na sa kung ano ang ipinapahiwatig ng couple.

Karamihan sa kanila, naniniwalang ipinagbubuntis na ni Ellen ang baby nila ni Derek.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Alam ko na. Second baby from you. Family of four na kayo.”

“I always have this feeling that Ellen is expecting. She does not have any new post showing her whole body. I will be happy for them!! [red heart emoji]”

“Wow congratulations baby is coming [happy face with heart eyes emoji]”

“Can’t wait for the baby dragon [laughing emoji]”

Kung matatandaan, noong Abril lamang ay ibinalita ng showbiz insider na si Ogie Diaz na nagdadalang-tao na si Ellen.

Una ay pa-blind item pang binanggit ni Ogie ang tungkol sa “aktres na buntis ngayon.”

Pero dahil sa pangungulit ng kanyang mga kasama sa “Showbiz Update” vlog na sina Mama Loi at Mrena, hindi na nagtagal ay ibinunyag na ito ni Ogie.

“Narinig ko lang naman, e, di itanong natin dito (sa vlog nila) baka kasi i-deny, e, wala rin namang problema,” sabi muna ng talent manager-vlogger.

“Gaano katotoo na si Ellen Adarna ay buntis na?” pagbubunyag niya.

Susog pa ni Ogie, “Sana totoo ‘no! Sana hindi false alarm. Jusko ang tagal na nilang hinihiling ‘no?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At nabanggit na kaya nga raw nagpatanggal na ng breast implant si Ellen ay para ready na rin kapag nagpa-breastfeed siya.

Ilang beses ding inulit ni Ogie na sana totoo ang narinig niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending