Nanay ni Yen hindi boto kay Paolo, hiwalay na ba talaga?

Nanay ni Yen Santos hindi boto kay Paolo Contis, hiwalay na ba talaga?

Reggee Bonoan - June 13, 2024 - 06:15 PM

Nanay ni Yen Santos hindi boto kay Paolo Contis, hiwalay na ba talaga?

TRULILI ba na hindi boto ang Mommy Lilian Santos ni Yen Santos kay Paolo Contis kaya sinabi niyang “never naging sila” sa panayam ni Jobert Sucaldito?

Natanong kasi ni Jobert ang nanay ni Yen kung magkarelasyon pa ngayon ang dalawa matapos kumalat ang balitang naghiawalay na ang celebrity couple.

Follow-up ito sa nasulat namin dito sa BANDERA noong Mayo 31 na never nga raw naging magdyowa sina Paolo at Yen base sa kuwento ng ina ng aktres.

Sa “Showbiz Now Na” vlog nina Nanay Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika ay nabanggit na hindi raw kasi boto ang ina ng dalaga kaya ito ang sagot niya sa mga nagtatanong kung hiwalay na o hindi pa ang aktor at aktres.

“Super deny ang mother ni Yen, di ba ‘Nay? Never, never!” sabi ni Romel Chika.

Baka Bet Mo: Yen Santos hugot na hugot sa love advice ni Heart, patama kay Paolo?

“San kaya nahugot ‘yun ng dakilang in ani Yen Santos?” tanong ni ‘Nay Cristy.

“Oo, siyempre hindi naman nila laging kasama (Mommy ni Yen),” sambit ni Romel Chika.

“Naging sila naman! Umamin naman si Yen at aminado naman si Paolo at alam naman ng publiko ‘yan, bakit kaya nasabi ng mommy ni Yen ‘yun?  Ano sa palagay mo (sabay baling kay Wendell),” pahayag ng beteranang manunulat at online host.

“Ganu’n talaga ang mga mother na wala silang alam (kaya pag natanong), ay wala akong alam,” diin naman ni Wendell.

Hirit ni ‘Nay Cristy, “San ba nila nakukuha ‘yun?”

Sabay biro ni ‘Nay Cristy kay Wendell na may katsika itong nanay ng isang artista ganito rin ang katwiran na wala ring alam ang in ana may karelasyon ang anak at laging sinasabi pa na, “saan ba nila nakukuha at nababasa ‘yun sabi pa sa atin.”

Parang knows na namin kung sino ang pinatutungkulan ng mga host dito dahil nakarating na rin sa amin na hindi boto ang nanay ng artistang ito sa karelasyon ng anak.

Anyway, gusto rin naming idagdag na maging si dating gobernador Chavit Singson noong tinanong ng press tungkol sa tsismis sa kanila ni Yen ay kaagad nitong sinagot ng, “Itanong n’yo kay Paolo Contis!”

Sa madaling salita, alam ng lahat ang namamagitan kina Paolo at Yen bagay na hindi lang siguro nakarating sa mommy ng dalaga.

Sa pagpapatuloy ni ‘Nay Cristy, “At saka kontra raw ang pamilya lalo na ang nanay ni Yen kay Paolo Contis. Kasi galing si Paolo sa dalawang relasyon na meron siyang mga anak at balitang-balita na hindi niya pinanagutan, hindi niya sinusustentuhan, natural lamang po sa mga magulang ang magmalasakit sa kanilang mga anak.

“Ganu’n ‘yun, eh. Baka iniisip siguro ng pamilya ni Yen nab aka katulad din nu’ng dalawa (Lian Paz at LJ Reyes) ang maging kapalaran mon a baka inanakan lang tapos hindi naman binigyan ng sustento o walang responsibilidad,” sabi pa.

Sey naman ni Romel Chika, “May history kasi (si Paolo).”

“Oo, actually ‘yang history kapag ‘yan ang lumaro sa isang usapin…talo, eh.  Mahirap kasing paniwalaan ‘yung ‘this time magbabago na siya (Paolo),” katwiran ni ‘Nay Cristy.

“Sugal kasi ‘yan, inisip na baka kasi sa akin (Yen) magbago (si Paolo) baka,” ayon pa kay Romnel Chika.

Nabanggit pa na kahit hindi magtrabaho ngayon si Yen ay maayos ang buhay nito dahil nakapag-ipon daw kaya may mga nagsabi na suwerte ni Paolo dahil hindi niya kailangang gastusan ang dalaga.

“Sa totoo lang nu’ng siya ay kumakayod araw (at) gabi talagang trabaho-trabaho (ay) nakapag-ipon siya (Yen). Taga-Nueva Ecija siya kaya alam ko ang kuwento,” sambit ni ‘Nay Cristy.

Dagdag pa, “Sabi naman ng manager niya (Manay Lolit Solis) baka nagkasawaan na. Ang bilis naman yata?  Sabagay nangyayari sa mga artista na ‘nagising na lang ako na wala ng nararamdaman.’ I just woke up one day I don’t love you or him/her anymore,”

Opinyon ni Romel Chika, “Kasi di ba ‘Nay pakiramdam ng babae kapag walang plano ang lalaki sa akin bakit pa natin kailangang mag-stay? May ganu’n, eh.”

“May mga babae natatakpan ng pag-ibig ang kanilang mga mata, pero dumarating din po sa babae na nauuntog siya,” say pa ni ‘Nay Cristy.

Napag-usapan din ng tatlong host na walang kasiguraduhan ngayon dahil may mga magkarelasyon na umabot sa mahigit isang dekada pero walang nangyari at may nagpakasal pero after three months ay naghiwalay din.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Obviously, alam na natin kung sino ang mga tinutukoy nina ‘Nay Cristy, Wendell at Romel Chika.

Ano nga ba ang real score sa pagitan nina Yen at Paolo?  Bukas ang BANDERA sa panig nila tungkol dito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending