Barbie nakakakilabot ang hugot: Ano’ng hindi gagawin para sa iyo inang bayan!?
INULAN ng papuri mula sa mga netizens at Kapuso viewers ang video ni Barbie Forteza para sa paggunita ng Independence Day kahapon, June 12.
Pak na pak ang at ipinamalas at ipinaramdam na emosyon ng dalaga sa kanyang monologue tungkol sa pakikipaglaban ng ating mga ninuno upang makamit ang minimithing kalayaan ng Inang Bayan.
Naka-post sa YouTube ang naturang video na may titulong “Ipaglaban ang ating Inang Bayan,” kung saan makikita si Barbie na naka-1940s-inspired na OOTD tulad ng sa ginagampanan niyang karakter sa upcoming GMA historical drama series na “Pulang Lupa.”
“Sa iyong maasahang mga ngiti’y nabubuhay yaring pag-asa, na ang magandang ngayon at bukas ay aking masisilayan,” ang bahagi ng monologue ni Barbie.
May nabanggit din ang Kapuso young superstar tungkol sa pagmamahal at mga leksiyon ng buhay ng ipinagkaloob ng ating mga magulang.
Baka Bet Mo: Barbie na-bad trip kay David: Pinaramdam ko sa kanya na hindi ko bet
Kasunod nito ang pagdilim sa paligid ni Barbie kasabay ng pagbabago sa mukha at emosyon ni Barbie na biglang nagpuyos sa galit dahil sa ginawang panghihimasok at pagmamalupit ng mga dayuhan sa bansang Pilipinas.
“Ano’ng hindi gagawin para sa iyo o aming inang bayan? Maging itong abang buhay ay nahahanda kong ialay,” ang maemosyong sabi pa ni Barbie.
In fairness, nakakakilabot at makapanindig-balahibo ang ipinamalas na galing ni Barbie sa naturang Independence Day video na talaga namang pinalakpakan at kinabiliban ng mga netizens.
Kaya naman ngayon pa lang ay abangers na ang kanyang mga fans sa upcoming serye niya sa GMA na “Pulang Araw” kung saan gagampanan niya ang role bilang Adelina, na isang vaudeville star noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas.
Makakasama rin sa serye sina Sanya Lopez, David Licauco, Alden Richards, Dennis Trillo at Rhian Ramos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.