Andrea 'nagwala' nang mag-like si Seo Yea-ji sa kanyang IG post

Andrea naiyak, ‘nagwala’ nang mag-like si Seo Yea-ji sa kanyang IG post

Pauline del Rosario - June 13, 2024 - 02:41 PM

Andrea naiyak, 'nagwala' nang mag-like si Seo Yea-ji sa kanyang IG post

Andrea Brillantes, Seo Yea-ji

NAIYAK at halos naglupasay sa sahig ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes matapos siyang mapansin ng sikat na South Korean actress na si Seo Yea-ji!

Ibinandera ni Andrea sa Instagram Stories ang ilang moments nang makita niyang ni-like ng international star ang ilang picture niya sa IG.

Hindi makapaniwala sa nangyari ang aktres at tila nag-hysterical sa sobrang pagkatuwa.

Sa unang post, makikita si Andrea na may tinitingnan sa cellphone at sinasabi na, “hindi ‘to totoo…wait lang, ime-make sure ko lang.”

Tapos bigla na siyang napasigaw at naiyak dahil legit nga ‘yung nakita niyang account ng kanyang iniidolo.

Baka Bet Mo: High Street ni Andrea sunud-sunod ang pasabog; ‘di na bitin sa iWantTFC

Chika niya pa sa post, “@yeyeji_seo liked my picture [crying emoji]”

Kasunod niyan ang video na nag-sink in na sa kanya ang nangyari at sinabing, “Oh my God! Ni-like niya!” habang naggugulong gulong sa sahig at sumisigaw.

Sa huli ng kanyang IG Stories, proud na ibinandera ni Andrea ang mga pictures na ni-like ni Yea-ji sa kanyang account.

Wika niya, “Ilysm @yeyeji_seo [crying emoji] Limang pictures ko pala ‘yung ni-like niya hindi lang isa [crying emoji] oh my gosh.”

Andrea naiyak, 'nagwala' nang mag-like si Seo Yea-ji sa kanyang IG post

PHOTO: Screengrab from Instagram Stories/@blythe

Para sa mga hindi aware, si Yea-ji ang bumida sa original romantic drama series na “It’s Okay To Not Be Okay” noong 2020.

Kasama niya riyan ang sikat na Korean star na si Kim Soo-hyun.

Magugunitang magkakaroon ng Philippine adaptation ang nabanggit na serye na pagbibidahan naman nina Anne Curtis, Joshua Garcia at Carlo Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakatakda itong ipalabas ngayong taon sa streaming service na Netflix.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending