High Street sunud-sunod ang pasabog; 'di na bitin sa iWantTFC

High Street ni Andrea sunud-sunod ang pasabog; ‘di na bitin sa iWantTFC

Ervin Santiago - May 30, 2024 - 01:03 PM

High Street ni Andrea sunud-sunod ang pasabog; 'di na bitin sa iWantTFC

Ang cast members ng ‘High Street’

TULAD ng “Senior High”, mas dumarami pa ang naaadik ngayon sa sequel nitong “High Street” na pinagbibidahan pa rin ni Andrea Brillantes.

Bawat episode kasi ng nasabing Kapamilya suspense-drama series ay talagang mapapaisip at mapapaigtad ka sa iyong kinauupuan dahil sa sunud-sunod na pasabog at twist sa kuwento.

Bukod kay Andrea, na gamay na gamay na ang pagganap sa karakter niya bilang si Sky, abangan din ang mga susunod na paandar ng mga major character sa serye na ginagampanan nina Juan Karlos, Elijah Canlas, Zaijian Jaranilla, Gela Atayde, Xyriel Manabat, Daniela Stanner, Dimples Romana at Angel Aquino.

Baka Bet Mo: David Licauco: Kailangan ko talagang mas maging good looking, mas gumaling sa pag-arte

Mas kapana-panabik ang mga rebelasyong matutuklasan sa pagpapatuloy ng “High Street,” at para iwas-bitin sa mga susunod nitong kaganapan, hatid ng iWantTFC, the home of Filipino stories, sa mga manonood ang new episodes nito na libreng mapapanood 48 hours in advance sa TV broadcast nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


Matapos ang mga nakatitindig-balahibong rebelasyon sa “Senior High,” mas titindi ang mga hamong haharapin ni Sky (Andrea) at ng kanyang Northford High batchmates sa kanilang pagpasok sa adulthood sa “High Street.”

Iikot na rito ang misteryo sa likod ng pagkakadakip kay Z (Daniela Stranner) kung saan madadawit si Sky sa naturang krimen at lubusang makakaapeto sa kanyang career bilang up-and-coming journalist.

Baka Bet Mo: Belle Mariano ibinandera ang taong itinuturing na role model…sino kaya yun?

Patindi nang patindi rin ang mga bago nitong rebelasyon sa mga bago nitong karakter, kung saan nailantad na ang mga pagkatao ng katrabaho niyang sina Wesley (Harvey Bautista) at Nikki (AC Bonifacio) na nakikipagsabwatan sa Soleil CEO na si Tori (Dimples Romana) sa pagdawit kay Sky sa pagdakip kay Z.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph)


Bukod pa rito, patuloy rin ang bangungot na dala ni Gov. William Acosta (Mon Confiado) para makapaghiganti kay Sky.

Lahat ng ito at ang mga susunod pang kaganapan, libreng mapapanood sa 48 hours in advance episodes ng “High Street” sa iWantTFC via iwanttfc.com o sa official app nito na available sa iOS at Android.

Para naman sa mga gustong makasabay sa “High Street,” on-demand ding mapapanood nang buo ang “Senior High” pati ang webisodes ng “Life After Senior High.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maliban dito, tuloy-tuloy rin ang “High Street” fever sa iWantTFC, tampok ang iba pang tinatangkilik na programa nina Andrea Brillantes, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Daniela Stranner, Harvey Bautista, AC Bonifacio, Dimples Romana, at Angel Aquino sa “Stars of High Street” selection nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending