Albie ipinakilala na ang anak sa publiko: 'Hello Roman Andrew!'

Albie ipinakilala na ang anak sa buong universe: ‘Hello Roman Andrew!’

Ervin Santiago - June 12, 2024 - 08:44 AM

Albie ipinakilala na ang anak sa buong universe: 'Hello Roman Andrew!'

Albie Casiño at Baby Roman Andrew kasama ang non-showbiz girlfriend na si Michelina

PROUD na proud na ibinandera ni Albie Casiño ang kanyang pagiging tatay sa buong universe kasabay ng pagpapakilala sa kanyang anak na si Roman Andrew.

Pinusuan at umani ng sandamakmak na “congratulatory” message ang Instagram post ng Kapamilya actor kung saan masaya nga niyang ibinalita na isa na siyang ama.

Isang video ang ibinahagi ng hunk actor sa kanyang IG account kagabi, June 11, kung saan makikita ang pagdating niya sa San Francisco International Airport at sinalubong ng kanyang mag-ina.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin naawa kay Albie: Siya dapat ang Daniel Padilla ngayon

Kilig-kiligan ang mga netizens nang makitang hinalikan ng aktor sa lips ang kanyang non-showbiz partner na si Michelina na karga-karga ang kanilang baby boy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Albie Casiño (@thestallion09)


Sinabi ni Albie na ito ang kauna-unahang pagkakataon na nasilayan at nakapiling nang personal si Baby Roman dahil sa Amerika ito ipinanganak.

Bahagi ng caption ni Albie sa kanyang Instagram post, “A great man told me ‘being a dad has no days off and retirement’ I wouldn’t have it any other way.

“I finally got to meet my son. Hello Roman Andrew the world is yours little man,” aniya pa.

Bumuhos naman ang pagbati ng mga netizens kay Albie, kabilang na ang mga kaibigan niya sa mundo ng showbiz. Mukhang ilan sa kanila ay matagal nang alam na tatay na ang aktor base sa kanilang comment.

Baka Bet Mo: Albie nairita kay Alexa; naglabas ng sama ng loob sa mga housemates

Sabi ng singer-actor at TV host na si Darren Espanto na isa sa mga unang nakaalam ng pagli-labor ni Michelina, “WE CAN FINALLY TALK ABOUT IT PUBLICLY HAHAHA!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Albie Casiño (@thestallion09)


Komento ni Ruffa Gutierrez, “Congratulations!! not a secret anymore, Ahia!!”

“CONGRATS ALBIE!!! So happy for you guys!” ang mensahe ni Alexa Ilacad.

Pagbati naman ng aktor at public servant na si Alex Castro, “Congratulations brother sarap ng pakiramdam.”

Sey ni Rodjun Cruz, “Congratulations brother @thestallion09”

“Can’t wait to meet my apo!” ang sabi naman ni Agot Isidro na Humana na nanay ni Albie sa serpent “Can’t Buy Me Love.”

Sa isa namang Instagram Story ni Albie ay makikitang tulog na tulog ang kanyang baby boy habang nasa sasakyan sila.

Matatandaang ibinandera ni Albie ang  relasyon nila ni Michelina sa social media kasabay ng kanyang 30th birthday at ng first anniversary nila as a couple noong May 14, 2023.

Sa isa niyang Instagram post noong May 15, 2023, makikita ang pictures nila ni Michelina na kuha sa pagbabakasyon nila sa Guam, USA.

Sey niya sa caption, “So much to be thankful for!

“One year being with @realmichelina my 30th and your 26th.

“Love you baby to more birthdays/anniversaries together (kiss emoji),” ani Albie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sagot naman ni Michelina, “I love you so much Mahal.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending