Andi nag-sorry kay Jaclyn bilang anak: I wish na mas nagpakumbaba ako
NAPAKARAMING life lesson na natutunan si Andi Eigenmann mula sa kanyang yumaong nanay na si Jaclyn Jose na hanggang ngayon ay baun-baon niya.
Ayon sa aktres, ang ilan sa mga advice sa kanya ni Jaclyn ay patuloy niyang isinasabuhay at isa-isa rin niyang itinuturo sa kanyang mga anak.
Baka Bet Mo: Andi gusto pa ring bumalik sa showbiz, pero…
Sa panayam ni Boy Abunda kay Andi para sa limited talk series na “My Mother, My Story”, natanong siya kung anu-ano ang mga alaala niya tungkol sa kanyang namayapang ina?
View this post on Instagram
“Isang makulay siyang tao pero lahat ng masasabi ko sa kanya, lahat ng naaalaala ko, hindi ko naaalala yung sakit or yung sama ng loob. Hindi ko naaalaala yung pagkukulang o pagkakamali,” simulang sagot ng fiancée ni Philmar Alipayo.
Patuloy pa ni Andi, “Ang naaalaala ko lang, siya bilang siya. Isang tao na punumpuno ng pagmamahal and ang dami kong napupulot na aral.
“Just be kind. Choose kindness. Be kind. Always do what you believe is right. As long as you’re not affecting or hurting anyone. Just keep going and you will always be in the right place,” dagdag pa niya.
Baka Bet Mo: Pamamaalam ni Andi kay Jaclyn: Nasa paraiso ka na Nanay…pahinga ka na
Pag-amin pa ni Andi, sana raw ay mas naging humble pa siya sa kanyang ina noong nabubuhay pa ito at hindi raw sapat ang palagi niyang pasasalamat sa lahat ng ginawa ni Jaclyn para sa kanilang pamilya.
“Maraming salamat. Always, always, maraming salamat.
View this post on Instagram
“I feel like noong nabubuhay ka pa, lalo na ngayong nawala ka na, hindi ko palagi alam kung paano magiging sapat yung pagpapasalamat.
“Kahit minsan, kahit isang beses, hinding-hindi ko naisip na itong buhay na ito, makukuha ko, or hindi ako ito kung hindi dahil sa kanya.
“Napakalaking parte ng pagkatao ko ay dahil sa yo. Dahil sa kung paano mo ako minahal at kung paano mo ako pinalaki, kaya maraming salamat.
“The theme of our whole life together, of our whole relationship is always love, love. How great love is.
“Now that you’re gone, that’s the biggest hit in the head that I can ever get for me to realize that how sorry I am.
“That I didn’t make that extra effort to give you the kind of love that you wanted to get from me.
“I just hope, I just wish that mas nagpakumbaba ako, mas madalas ako nagpakumbaba at niyakap na lang kita. I will never stop feeling sorry for that, for my shortcomings as a daughter,” tuluy-tuloy na mensahe ni Andi sa ina.
Sa tanong naman ni Tito Boy kung sino siya nang dahil kay Jaclyn, “I am brave and I am strong and I know that I can overcome anything and I can get through anything.
“I can achieve anything that my heart desires because of my mom,” pahayag ni Andi Eigenmann.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.