Wish ni Nyoy, mas marami pang TV star na sasabak sa teatro

Wish ni Nyoy Volante, mas marami pang TV star na sasabak sa teatro

Pauline del Rosario - June 10, 2024 - 02:54 PM

Wish ni Nyoy Volante, mas marami pang TV star na sasabak sa teatro

PHOTO: Instagram/@starmagicphils

UMAASA ang singer-actor na si Nyoy Volante na mas dadami pa ang mga artista na susubok sa mundo ng teatro.

Isa si Nyoy sa star-studded cast ng upcoming broadway musical na “Little Shop of Horrors.”

Katambal niya riyan ang “It’s Showtime” host at singer na si Karylle, habang ito naman ang magsisilbing theatrical debut ng Kapamilya actress na si Sue Ramirez.

“A lot of local artists from television, medyo naeengganyo and minamahal unti-unti ang theater,” sey ni Nyoy sa naganap na press conference ng nasabing musical noong June 5.

Baka Bet Mo: Sue Ramirez excited na, dream come true ang pagsabak sa broadway musical

“I would really, like, sana everyone to realize na this is a new thing that’s happening at least here in the Philippines na ‘yung mga artista natin na nakikita sa telebisyon, nakikita na natin sa teatro,” patuloy ng batikang singer.

Mensahe pa niya, “So that’s definitely something to see and that’s something to give courage na sana suportahan niyo po kasi we want to see more people from televisions sa teatro.”

Sumang-ayon naman sa kanya ang direktor ng nabanggit na show na si Toff de Venecia at sinabing: “Parang mabubuo ‘yung entertainment industry.”

“Theater is part of the entertainment industry, so you have to be able to move platforms that discover aspects of your craft,” wika pa niya.

Bilang pagbibidahan ni Nyoy ang “Little Shop of Horrors,” tiniyak niya na marami ang makaka-relate sa istorya nito.

“It’s a show about choice. Sometimes you’re caught in a situation where it’s a choice between tama ‘yung gagaiwn mo, pero hindi siya masyadong maganda sa iyong career or love life sa buhay mo, and then a choice na medyo hindi maganda sa kapwa mo or sa loved one mo, pero ikaw aangat ka or yayaman ka. Mga false victories na tinatawag,” paliwanag niya.

Dagdag pa ng singer, “But you know, we can all relate to this kasi at one point in our lives or probably hanggang ngayon, we’re going through something like this na hindi natin alam kung ano talaga ang gusto nating gawin –kung tama ang gagawin natin or ‘yung makakaganda sa buhay.”

Ang kwento ng nasabing musical ay base sa 1960 film ni Roger Corman na may kaparehong titulo.

“[It] tells the tale of Seymour Krelborn, a down-on-his-luck floral assistant, who discovers a mysterious plant with an insatiable appetite for human blood. As the plant, named Audrey II, grows and gains fame, Seymour finds himself tangled in a web of fame, love, and moral dilemmas,” saad sa inilabas na press release.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maghahalinhinan bilang si “Seymour” sina Nyoy at Reb Atadero, habang magpapalitan din sa set sina Sue at Karylle bilang si “Audrey.”

 Tampok din sa musical play sina Markki Stroem, David Ezra, Audi Gemora, OJ Mariano, Mikee Baskiñas, Abi Sulit, Paula Paguio, Julia Serad, at marami pang iba.

Ang “Little Shop of Horrors” ay mapapanood mula July 6 to 28 sa Globe Auditorium, Maybank Performing Arts Theater sa BGC.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending