Kim Chiu, Aileen Go tuloy ang laban para sa kababaihan

Kim Chiu, Aileen Go tuloy ang laban para sa kababaihan; dapat iwas-nega

Ervin Santiago - June 10, 2024 - 07:33 AM

Kim Chiu, Aileen Go tuloy ang laban para sa kababaihan; dapat iwas-nega

Kim Chiu at Aileen Choi Go

KUNG may isang life lesson na natutunan ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa pagharap sa mga challenges ng buhay, yan ay huwag na huwag magtanim ng sama ng loob.

Para kay Kim, mas mahalaga pa rin daw na wala kang dinadalang mabigat sa iyong kunsensiya para mas maaliwalas at magaan lang ang daloy o takbo ng buhay.

“Do not cultivate hate and anger. Huwag lang magtatanim ng sama ng loob. That’s the number 1 rule for me. Just get rid of that burden.

Baka Bet Mo: Donita Nose ilang beses tinanggal ni Willie sa Wowowin: ‘Pero wala akong sama ng loob, hindi ako nagtampo kasi…’

“For example, if you consider someone an enemy, you naturally don’t want to be near that person. You would try to avoid him or her.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


“You are only punishing yourself, so you might as well throw all the negativity away and just live in the moment,” ang pahayag ni Kim nang matanong sa isang event kung ano ang maipapayo niya sa mga taong dumadaan sa mga pagsubok.

Natutunan daw niya ang mga ito sa kanyang ama, “He has no enemies. Ang sarap ng buhay niya. He is just happy most of the time. He is already 65, but he doesn’t look it.”

Samantala, patuloy pa ring binabagyo ng blessings si Kim kabilang na riyan ang pagdami ng kanyang endorsements.

Kamakailan ay nag-renew na naman si Kim ng kontrata sa Megasoft Hygienic Products, ang pinagkakatiwalaang pangalan sa likod ng Sisters Napkins and Pantyliners.

Sa taong ito, ipinagdiriwang ng Megasoft Hygienic ang kanilang ika-24 anibersaryo sa patuloy na pagbibigay ng abot-kaya at dekalidad na hygiene products.

Baka Bet Mo: Vice Ganda walang sama ng loob sa TVJ, tuloy ang pagpapasaya sa madlang pipol

Bilang pagdiriwang sa mahalagang yugtong ito, inilunsad ng kumpanya ang bagong pakete ng SNP kasabay ng renewal ni Kim na ginanap nitong June 5, sa Romulo’s Café. Pinangunahan ng Vice President ng brand na si Ms. Aileen Choi Go ang renewal ng kontrata kasama si Kim.

Sa tanong kung bakit pinili nilang ipagpatuloy ang pagiging ambassador ni Kim, sabi ni Ms. Aileen, “Kim kasi has the values that Sisters celebrate. She’s very hard working – as seen from her projects, but at the same time, we see her fun side.

“She’s also very grounded and never forgets to take care of herself. (These are) admirable qualities that we all look up to in  a sister,” aniya.

Nagpahayag din si Kim ng pasasalamat para sa renewal, “I’m deeply honored and thankful to Ms. Aileen for trusting and believing in me as ambassador.

“Siyempre, proud ako to be an ambassador of one of the leading napkins and pantyliners na may advocacies pa to empower women,” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


Muling naging makabuluhan ang nakalipas na taon para sa Megasoft, na nagkaroon ng matagumpay na provincial shows mula Luzon hanggang Mindanao, na nagpapasaya sa ating mga kababayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ay lalo pang pinalawak sa pamamagitan ng vlog ni Kim, tampok si Ms. Aileen kung saan ibinandera nga nila ang kanilang pagsuporta sa iba’t ibang organisasyon na nakatuon sa pag-aalaga sa kababaihan sa buong Pilipinas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending