Pag-'okray' ni Vice Ganda kay Ogie Alcasid trending

Pag-‘okray’ ni Vice kay Ogie Alcasid trending, netizens iba-iba ang reaksyon

Reggee Bonoan - June 09, 2024 - 06:07 PM

Pag-'okray' ni Vice kay Ogie Alcasid trending, netizens iba-iba ang reaksyon

Ogie Alcasid, Vice ganda

TRENDING ngayon ang batikang singer-songwriter na si Ogie Alcasid ilang oras matapos ma-post ang screenshot na makikita kung paano siya “okrayin” ng co-host na si Vice Ganda.

Kanya-kanyang reaksyon ang netizens sa ginagawa ni Meme Vice kay Ogie na tila hindi na ito nire-respeto na naikumpara pa noong nasa GMA 7 ang husband ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na nire-respeto ito.

Caption ni X user @AltKamuning sa mga screenshot na pinost niyang eksena sa “It’s Showtime” kung saan nagkukuwento si Ogie pero inokray siya ni Vice Ganda.

“Walang eme ha. I feel sad for Ogie. I still remember he was one of GMA’s OPM frontrunners. He was also a RESPECTED comedian like Michael V. Kaka-sad lang. Choice naman niya lumipat but I just feel sad na ganyan treatment sa kanya ngayon, nakapag-retire sana on a high note,” saad sa caption.

Dagdag pa sa post, “Eto ha medyo napapansin ko na rin na ginagawang Bentong ni Vice Ganda si Ogie Alcasid.  ‘Yung parang Laughing Stock? Eh nu’n nasa GMA si Ogie, he was a Comedy Veteran side by side with Michael V. They were Kings!

Baka Bet Mo: Wish ni Ogie tinupad ng Showtime, madlang pipol nag-enjoy: Laughtrip kahit wala si Vice!

“Sila ang nagpaumpisa ng mga comedy GaG show hence ‘Tropang Trumpo’ in ABC TV5 tapos ‘Bubble Gang’ sa GMA mga tinitingala sa larangan ng pagpapatawa.”

Lahad pa, “Pero sa Showtime gano’n-gano’n na lang pagtripan at lait laitin si Ogie. Even my Mom said, ‘Napapanood kaya ni Regine ‘yang mga pinagagawa ni Vice?’ Kasi nga sobrang harsh na ng treatment ni Vice kay Ogie. Sobrang galing na OPM composer, singer at comedian tapos parang naging Pipoy/Bentong/Long Mehia ang treatment?”

Hati naman ang reaksyon ng netizens sa post na ito na ang iba ay baka nga raw si Ogie pa mismo ang nagsabing laitin siya.

Ito ang sabi ni @1224sniper, “Lol ‘di mo ba alam pangarap niya maging host sa Showtime matagal s’yang naging judge.. At kung show timer ka alam mo na minsan si Ogie nag-uutos sa kanila na okrayin siya at itulak sya…Wala kasi kayong alam.”

Komento naman ni @miguelyuz, “Mema ka na naman. Marunong ka pa du’n sa tao hahaha hindi mo naman sila palamon. Desisyon ka hahaha.”

Paniniwala naman ni @wi_wi_wi22, “Nakakasad kaya pag nasa GMA sila kaya wala nang natirang singer d’yan ehh pinagtyatyagaan nalang ni Mark at Christian Bautista [laughing emoji].”

Sey naman ni @volleygossip, “After Kim, Vice and Anne ngayon Ogie naman. Kumpletuhin niyo na kaya mga hosts sa It’s Showtime. Dami niyo napapansin sa ABS CBN obvious na obvious na tutok kayo masyado sa Kapamilya.”

Mula kay @Anony_mous02, “The only reason why nawala ang veteran singers ng GMA is because tinanggal nila ‘yung shows like Party Pilipinas. ‘yun y’ung permanent for them kaya kasalanan ng GMA. Tho, I have to agree na Ogie was a better comedian sa GMA. mas nabigyan sa GMA ng exposure ung comedy niya.”

Obserbasyon naman ni @itsme_JMCG, “Actually, na-offend na yan. Ayaw niya lang magsalita. Pinaka-nakakaawa diyan si Lassy kasi laging napapahiya and always sinasabihan na “panget” on National TV which is in-appropriate and pansin mo rin sa mukha ni Lassy na napapahiya siya.”

Ang taas ng views ng post na ito ni @AltKamuning dahil umabot sa 111 comments, 33,000 views bukod pa sa views ng bawat nagre-react, 182 ang nag-heart react at almost 30 na ang nagretweet iba pa sa mga nagbigay ng reaksyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano kaya ang masasabi ni Ogie Alcasid dito o ng asawang si Regine Velasquez?

Bukas ang BANDERA para sa panig ng mag-asawang Alcasid.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending