Vice Ganda magbabalik pelikula na nga ba? | Bandera

Vice Ganda magbabalik pelikula na nga ba?

Therese Arceo |March 12,2022
facebook
share this

Vice Ganda magbabalik pelikula na nga ba?

Therese Arceo - March 12, 2022 - 12:12 PM

Vice Ganda magbabalik pelikula na nga ba?

NAGPAPAHIWATIG nga ba ng movie comeback ang Unkabogable Star na si Vice Ganda kasama sina Vhong Navarro at Ogie Alcasid?

Halos tatlong taon na rin ang nakakalipas buhat nang bumida sa big screen ang TV host-comedian.

Sa kanilang noontime show na “It’s Showtime” ay tila nagpapahaging si Vice Ganda sa kanyang magiging bagong project habang nagho-host sila ng segment na “Showtime Sexy Babe”.

Dito kasi ay napansin niya ang mga inaakto ng kanyang mga co-hosts na sina Ogie Alcasid at Vhong Navarro.

“Ang lalaki ng galaw n’yo ha, pang-big screen!” saad ni Vice sa dalawa.

Nagkatawanan naman ang tatlo sa sinabi ng komedyante.

Sey ni Vhong kay Ogie, “Gusto niya kasi magka-movie tayong tatlo.”

“Porke’t nalaman n’yong may meeting ako sa Star Cinema kahapon, ha!” pagsisiwalat naman ni Vice.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

Agad na biro naman ni Vhong, pwede raw maging replacement si Ogie ng mga nagiging sidekicks niya sa pelikula gaya nina MC, Lassy, at Negi.

Dito nga ay nabanggit ni Vice na tila “swerte” niya ang co-host at kaibigang si Ogie.

“Actually, ito walang halong keme, ha. Kasi noong nagka-casting kami kagabi, nag-iisip kami tapos sabi ko, ‘Parang feeling ko lucky charm ko now si Ogie Alcasid’ sabi ko sa kanila,” nakangiting sabi ni Vice.

Agad namang umarte nang nagyayabang at tila naungusan niya ang isa pa nilang kaibigang si Vhong.

“Hindi, kasi kami talaga ni Vhong ‘yun kaya sabi ko, isama si Ogie kasi parang lucky charm ko,” paglilinaw ni Vice na agad naman ikinasaya ni Vhong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago pa man ang nangyaring pandemya ay isa ang mga pelikula ng Unkabogable Star sa mga inaabangan ng madlang pipol sa tuwing sasapit ang Pasko sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Matatandaang ang huling muli na pinagbidahan ni Vice ay ang “The Mall, The Merrier” kung saan nakasama niya si Anne Curtis.

Related Chika:
Vhong napaiyak nang bigyan ni Willie ng P1-M bilang tulong matapos mabugbog at maospital
Basher tinuruan ng leksyon ni Vice: You’re a bad example to the Christian nation!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending