Rhen Escaño ilang beses umiyak sa shooting ng 'Karma'

Rhen Escaño ilang beses umiyak sa shooting ng ‘Karma’: Parang di ko kaya

Ervin Santiago - June 09, 2024 - 08:00 AM

Rhen Escaño ilang beses umiyak sa shooting ng 'Karma': Parang di ko kaya

Rhen Escaño

GUSTUNG-GUSTO nang sumuko ng Viva artist na si Rhen Escaño habang ginagawa ang kanyang latest action-drama movie na “Karma.”

Napanood na namin ang trailer ng naturang pelikula at wala kaming nakitang traces na nahirapan o nangapa nang bonggang-bongga si Rhen while shooting the movie.

Knows n’yo ba na iniyakan ni Rhen ang mga buwis-buhay niyang mga action scenes sa “Karma” na kinunan sa Baguio City at talagang sinabihan na niya ang kanilang direktor na si Albert Langitan na hindi na niya kaya.

Baka Bet Mo: Andrea may bagong hugot sa ‘karma’, para nga ba sa magdyowang Ricci at Leren Mae?

“Nahirapan kasi talaga siya dahil matindi ang eksena.I had to contantly remind her ‘Nagawa mo na yung mga nakaraang eksena, kaya mo din ito,'” pahayag ni Direk Albert sa naganap mediacon ng “Karma” kamakailan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rhen Escaño (@realrhen)


Kung ite-check ang Instagram page ni Rhen makikita ang mga ginawa niyang paghahanda para sa kanyang first ever action movie tulad ng fight and gun training.

Sabi pa niya sa isang IG post, “Will never forget ilang beses akong umiyak kase akala ko ‘di ko kaya.”

Sa mediacon ng movie, natanong ang dalaga kung bakit niya tinanggap ang role kahit alam niyang pahihirapan siya ng kanilang direktor, “Gusto ko magpapansin.”

Baka Bet Mo: Rhen nanghihinayang dahil hindi inabot si Julia sa ‘Ang Probinsyano’

“Gusto ko mapansin niyo ako. Gusto ko maisip ng mga manonood na yung akala niyo di ko kayang gawin ay ginawa ko,” sabi pa ni Rhen.

“Nu’ng unang in-offer sa ‘kin tong movie na to, nagsikip yung dibdib ko, as in my heart skipped a beat. Pero matigas po yung ulo ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)


“Mas gusto ko yung nagda-doubt sa akin yung tao para mas gagawin ko (ang kaya ko para patunayang mali sila). Gusto ko laging pinu-push ang sarili ko,” sabi pa ni Rhen.

Iikot ang kuwento ng “Karma” sa gagawing paghihiganti ni Rhen na  gumaganap bilang si Angel, isang assassin na puno ng poot at pangungulila.

Walong taong gulang si Angel nang makita niya mismo sa kanyang harapan kung paano pinatay ang kanyang ama. Lumaki siya na gustong ipagtanggol ang mga inaabuso, hanggang sa dumating sa punto na aksidente siyang nakapatay ng lalaking nagnanakaw sa isang mag-ama.

Sa tulong ng kanyang Ninong Chief, isang dating police general, hindi nakulong si Angel pero naging myembro na siya ng organisasyon ng mga hitman na pinamumunuan ni Chief.

Pinaniniwalaang mga kriminal lamang ang tinutumba ng organisasyong ito. Pero sa huli niyang misyon, nakita ng anak ng kanyang target ang pagpatay niya dito.

Hindi mabura sa isipan ni Angel ang imahe ng batang yakap-yakap ang kanyang pinaslang na ama. Lalong tumindi ang pagsisisi ni Angel nang malaman niyang ang pinatay niya ay hindi drug pusher kundi isang undercover police officer.

Payo ni Maxene Magalona: ‘Please, huwag kayong matakot sa karma…you get what you give’

Read more: https://bandera.inquirer.net/344652/payo-ni-maxene-magalona-please-huwag-kayong-matakot-sa-karma-you-get-what-you-give#ixzz8cZKUHdR2
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook
Sunud-sunod na ang mga bagay na nadiskubre ni Angel tungkol sa kanyang Ninong Chief, sa totoong uri ng kanilang organisasyon, at sa totoong motibo ng pagpatay sa kanyang ama. At ngayon, walang makakapigil sa kanyang ipatumba ang tunay na salarin.

Si Sid Lucero ang kapareha ni Escaño sa pelikulang ito. Ginagampanan ni Lucero ang papel nang dating iskolar na si Rommel.

Tulad ni Angel, naging hitman siya sa organisasyon ni Chief nang napasubo ito sa madugong labanan sa isang gang. Magkapatid ang turingan nina Rommel at Angel.

Pareho silang magaling sa kanilang trabaho kahit hindi talaga gusto ni Rommel ang pumatay. Hinihintay na lang niya ang tamang panahon para iwan ang organisasyon.

Ngayon, pumapayag na si Chief na pakawalan siya pero sa isang kundisyon: dapat niyang patayin si Angel dahil marami na itong nalalaman.

Maliban sa pelikulang ito, magkasama rin sina Rhen at Sid sa teleseryeng  “Carlo J. Caparas’ Lumuhod Ka sa Lupa” sa TV5.

Unang nakilala si Rhen Escaño bilang sexy star, at ngayon, ikatutuwa ng mga fans ang pagpasok niya sa action genre.

Ang papel ni Chief ay ginagampanan ni Roi Vinzon. Kasama rin sa “Karma” sina Krista Miller, Paolo Paraiso, Leandro Baldemor, at Mon Confiado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mula sa Viva Films at Happy Infinite, ipalalabas ang “Karma” sa mga sinehan simula June 19.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending