Sanya hindi naghahanap ng dyowa: Dapat ako 'yung hinahanap!

Sanya hindi naghahanap ng dyowa: Dapat ako ‘yung hinahanap niya!

Ervin Santiago - June 06, 2024 - 06:25 AM

Sanya hindi naghahanap ng dyowa: Dapat ako 'yung hinahanap niya!

Sanya Lopez

HANGGANG ngayon ay single na single pa rin ang Kapuso actress na si Sanya Lopez at hindi pa rin niya priority ang magkaroon ng dyowa.

Nananatiling NBSB o no boyfriend since birth pa rin ang dalaga pero wala itong isyu sa kanya dahil happy naman daw siya ngayon sa kanyang career at personal life kahit walang dyowa.

Baka Bet Mo: Sanya, Jak naranasan ding lumafang ng tuyo at talbos ng kamote, nangungutang din para makakain

Sa presscon ng bago niyang pelikula, ang suspense-thriller na “Playtime” kung saan kasama niya sina Xian Lim, Coleen Garcia at Faye Lorenzo, nagpaliwanag si Sanya kung bakit until now ay wala pa siyang boyfriend.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi ko rin talaga siya hinahanap, dapat ako ‘yung hinahanap niya,” chika ng sisteraka ni Jak Roberto.

Meron naman daw nanliligaw sa kanya, “Pero wala lang talaga ‘yung time na pwede ako. Mahirap ‘yung klase ng trabaho na meron ako, kaya naman kung kaya niyang tanggapin, katulad nga po nung sinabi ko, may Sang’gre, may Pulang Araw, may Playtime.

“Kung kaya niya ‘yon tanggapin, kung saan siya sisingit doon, okay ganu’n,” esplika pa niya.

Gusto rin daw ni Sanya na kilalanin munang mabuti ang taong nanliligaw sa kanya bago niya sagutin, “Lagi naman tayong (may kinikilatis) pero kung sino ‘yung talagang, ‘yung talagang totoo, kasi gusto ko ‘yung siyang siya na.

Baka Bet Mo: Sanya kamukha raw ni Rabiya; gusto ring maging beauty queen, pero…

“Kasi, ‘di ba, minsan nauudlot kaya ganon, Baka kaya hindi natutuloy kasi ang daming nag-e-expect,” natatawang chika ng Kapuso star.

Samantala, sa pelikulang “Playtime” ay gumaganap si Sanya bilang si Ali, isang social media influencer na kilalang-kilala ng mga tao lalo na sa social media.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)


Sa kuwento ng movie, mabibiktima siya ng isang sexual predator played by Xian. Kaya naman natanong din siya kung paano niya pinoprotektahan ang sarili mula sa mga fans bilang isang artista at influencer na rin.

“Medyo ingat rin po kasi ako sa mga fan kasi may mga fan talaga na ‘pag na-excite na, hindi mo alam kung ano ‘yung possible na gawin nila sa ‘yo,” sagot ni Sanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Playtime” ay mula sa direksyon ni Mark Reyes under Viva Films and GMA Pictures. Showing na ito sa mga sinehan nationwide simula June 12, Independence Day.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending