Sanya Lopez ipinagluluksa ang pagpanaw ng pet dog

Sanya Lopez ipinagluluksa ang pagpanaw ng pet dog: Run free my baby Mackee!

Pauline del Rosario |February 12,2024
facebook
share this

Sanya Lopez ipinagluluksa ang pagpanaw ng pet dog: Run free my baby Mackee!

Pauline del Rosario - February 12, 2024 - 01:13 PM

Sanya Lopez ipinagluluksa ang pagpanaw ng pet dog: Run free my baby Mackee!

PHOTO: Screengrab from Instagram/@sanyalopez

DUROG na durog ang puso ngayon ng aktres na si Sanya Lopez dahil sa pagpanaw ng isa sa kanyang fur baby.

Ito ang stray dog na aspin na si Mackee.

Sa Instagram, ibinandera ni Sanya ang ilang memories kasama pumanaw na alagang aso.

Ipinakita niya sa video ‘yung mga panahon na inampon niya ito hanggang sa lumaki na ito kasama ang iba pa nilang pet dogs.

“Unang kita palang namin sayo minahal ka agad namin,” caption niya sa IG.

Sey pa niya, “Sandaling panahon ka lang sa amin pero pinaramdam mo kung gaano mo rin kami kamahal.”

Baka Bet Mo: Sanya Lopez ayaw pang magka-lovelife: ‘Ang hirap na hindi mo mabigyan ng oras’

Kasabay niyan ay inisa-isa ng aktres ang ilan sa mga mami-miss niya sa kanyang aso.

“Mamimiss ko bawat paghihintay mo sakin sa labas ng room ko paggising ko, at nangunguna sa gate pag umuuwi na ko. Bawat pagsusungit mo pag ayaw mo ng magpakiss. Bawat iyak mo kasi ayaw mong wala kang taong kasama kahit isa,” sambit niya.

Kwento pa niya, “Mamimiss ko lalo yung tinititigan mo lang ako kahit wala akong ginagawa at magpapa-cute ka lang bigla kasi gusto mo lang [sad face, red heart emojis].”

“Sa sandaling panahon ipinahiram ka samin pinasaya mo kaming lahat,” dagdag niya.

Mensahe pa niya, “Maraming Salamat at nakilala ka namin. Mahal na mahal ka namin. You’ll always be forever in our hearts. Run free my baby Mackee! [white heart, dove, folded hands emojis]”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)

Sa comment section, maraming netizens ang nakiramay at may iilan din ang relate na relate sa nararamdaman ngayon ni Sanya.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“‘Yan ang isa sa masakit na pangyayari sa ating mga fur parents…I feel you kasi namatayan na rin ako ng 3 newborn puppies at grabe ang iniyak ko.”

“May times talaga na short stay lang sila. Mackee left happy dahil nagkaroon siya ng name at family bago siya umalis.”

“Parang kailan lang kakapulot lang sayo tapos ngayon wala na [crying emoji]”

“Nakakalungkot mawalan ng alaga, pero kung mas makakabuti sa kanila ‘yun, wala tayong magagawa kung hanggang doon nalang ang life nila.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung maaalala noong Mayo ng nakaraang taon nang huling mamatayan ng fur baby si Sanya at ang kapatid niyang aktor na si Jak Roberto.

Nag-share pa nga noon si Sanya ng litrato ng kanilang aso at sinabi rin niya na mami-miss nila nang bonggang-bongga si Jong Jong na naging bahagi na rin ng kanilang pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending