Kim sa viral halikan nila ni Paulo: Yun ang pinaka-intense!

Kim sa viral halikan nila ni Paulo: Yun ang pinaka-intense na ginawa ko!

Ervin Santiago - June 05, 2024 - 08:05 AM

Kim sa viral halikan nila ni Paulo: Yun ang pinaka-intense na ginawa ko!

VIU Philippines / @viuphilippines Instagram

PARA kay Kim Chiu, ang viral kissing scene nila ni Paulo Avelino sa “What’s Wrong With Secretary Kim” ang pinakamatindi sa lahat ng ginawa niya sa harap ng camera.

In fairness, hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng mga fans at netizens ang halikan nina Kim at Paulo sa naturang serye na talaga namang ikinakilig ng manonood.

Ayon kay Kim, ginawa nila ang naturang eksena dahil isa ito sa mga iconic scenes sa original version ng “What’s Wrong with Secretary Kim” sa South Korea.

Baka Bet Mo: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa Pinoy version ng hit K-drama ‘What’s Wrong With Secretary Kim?’, aprub ba sa mga fans?

Dahil nga rito ay marami ang nagsasabing mukhang totohanan na raw ang relasyon ng KimPau at napi-feel daw nila na hindi lang pang-telebisyon ang kaswitan ng magka-loveteam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa isang interview, nagsalita si tungkol sa mga intimate scenes nila ni Pau na parang hindi na raw aktingan lang.

“Grabe, ganu’n sa Korea, ikaw talaga! Ginagaya lang namin. Siyempre may taste of Pinoy, ‘yun ‘yung taste! Charot!” chika ng aktres.

Rebelasyon pa ng dalaga, yun na raw yata ang “most challenging kissing scene” na nagawa niya sa history ng kanyang acting career.

“Mahirap siya, ‘yun na yata ang pinaka-intense kong ginawa for my entire career,” sey ni Kim.

Baka Bet Mo: Paulo susugalan ang movie nila ni Kim; feeling lucky makatrabaho si Jake

Sabi ng dalaga, talagang inalalayan at inalagaan siya ni Paulo sa mga naturang eksena at wala naman daw siyang naramdaman na nag-take advantage ang aktor sa kanya.

“Inalalayan, nagpaalam naman siya, in so many ways. Dito ganito. May rehearsal naman kami, hindi namin ni-rehearse (yung kissing), ‘yung choreography, placing ng kamay, para sa sining, as an artist,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Viu Philippines (@viuphilippines)


Nauna rito naibalita namin dito na feeling daw ng mga fans at may namamagitan na talagang something special sa pagitan nina Kim at Paulo.

Hindi na raw kailangan ang lantarang pag-amin ng magka-loveteam para maramdaman ng publiko na totohanan na ang kanilang pagmamahal at pagke-care sa isa’t isa.

Kitang-kita raw nila yan sa nag-uumapaw at nagmumurang chemistry ng dalawang Kapamilya stars sa kanilang serye na “What’s Wrong With Secretary Kim.”

Talaga namang pak na pak ang kanilang romcom series sa madlang pipol, lalo na kapag naglalambingan at nag-aasaran na sila.

“Hand in hand kasi iyon to make a show worth it or to properly portray our characters to Linlang and What’s Wrong With Secretary Kim,” ang pahayag ni Paulo sa panayam ng press.

“Akin kasi ang daming kailangan ayusin especially when we started in Linlang. May mga bagay siyang nakikita sa script namin na hindi ko nakikita, may nakikita rin ako.

“Mine-make sure ko lagi na nabo-voice out ko lagi para malaman namin kung mutual ba yung gusto naming mangyari sa eksena or hindi,” dagdag pa ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya pa, “Throw lines din kasi, doon din namin name-measure yung timing and doon din talaga nakikita yung magic kung may kulang pa or kailangan pa idagdag sa eksena.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending