Kuya Kim walang awa na namang pinatay: Nope, not today

Kuya Kim walang awa na namang ‘pinatay’ sa socmed: Nope, not today!

Ervin Santiago - June 04, 2024 - 11:23 AM

Kuya Kim walang awa na namang 'pinatay' sa socmed: Nope, not today!

Kim Atienza

WALANG awa na namang “pinatay” ng mga taong walang magawa sa kanilang buhay ang Kapuso TV host na si Kim Atienza.

Mismong si Kuya Kim ang nag-post ng  fake news sa kanyang Instagram account at mariin ngang pinabulaanan na dead na siya.

Makikita sa naturang post ang pekeng obituary card kung saan nga nakasaad ang kanyang pagpanaw, “Maraming salamat Alejandro Kim Iligan Atienza. (January 2, 1967– June 3, 2014).”

Baka Bet Mo: Jose Mari Chan pinalalabas na dahil sa init: Parang awa n’yo na po!

Sa ni-repost na art card ni Kuya Kim ay nilagyan niya ito ng salitang “HOAX,” patunay na peke ang balitang ipinakakalat ng nasabing Instagram page.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)


Ang matindi pa rito, ginagamit ng naturang IG account ang logo ng GMA Network para palabasing legit ang kanilang page.

Sabi ni Kuya Kim sa caption ng ni-repost niyang IG account, “Nope, not today.”

Maraming celebrities ang nabwisit at nagalit sa kumalat na death hoax kay Kuya Kim, isa na nga riyan ang kapwa niya Kapuso host at news anchor na si Arnold Clavio.

“Hahahaha! Kuya Kim, ano neh? Ogag yan!” komento ni Igan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)


“(GMA) logo pa,” reply naman ni Kuya Kim sa kanya.

Matatandaang noong 2020 at nabiktima na rin ang TV host ng death hoax kung saan sinabing namatay siya sa isang aksidente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I am very much alive and still working. I tried to pass this off and be quiet but my friends and family are worried. I have to address this fake news item now,” ang paglilinaw ni Kuya Kim sa naturang fake news.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending