Anthony Solares inaming pinatay si Killua: Ginawa ko lang ang nararapat
INAMIN ng lalaki mula sa Bato, Camarines Sur na si Anthony Solares na pinatay niya ang viral Golden Retriever dog na si Killua.
Sa kanyang panayam sa News5, sinabi nitong ginawa niya lang ang mga nagawa niya kay Killua para protektahan ang ibang tao.
Saad ni Solares, maging siya raw ay kinagat rin ng aso.
“Ginawa ko lang ‘yung nararapat,” sabi ni Solares.
Pagpapatuloy niya, “Hinabol ko na ‘yung aso kasi, ano na… nangagat na. Bale, naka-dalawang kagat na siya. Tapos, muntikan pa nga ‘yung asawa ko, na nagtitindi lang sa aming ano…”
Baka Bet Mo: #JusticeForKillua: Celebs nanawagan para sa asong pinatay
View this post on Instagram
Nang tanungin si Anthony kung nagsimula nang mangagat si Killua sa mga tao sa daan, sinagot niya ito ng oo.
Bukod pa rito, kinumpirma rin niya na hinabol niya ang aso gaya ng mapapanood sa CCTV footage na inilabas ng furmom ni Killua na si Rachelle dahil ayon sa kanya, nangangagat raw ito ng mga tao.
Sabi ni Solares, “Maski nga ako, naano na, nakagat na ako. Kaya, kung baga sa ano, ay talagang ano na siya, talagang wala na sa sarili ‘yung aso.”
“Lahat ng nakasalubong niya, parang gusto niya pang anuhin, ‘yung parang, gusto pang kagatin. Kaya, wala akong ibang naisipan, talagang anuhin. Baka maka-ano pa ng ibang tao,” dagdag pa niya.
Inamin rin ni Solares na hinampas niya ng bato at pinalo ng kahoy si Killua at noong patay na ito y itinabi muna raw niya sa tindahan niya para antayin ang may-ari at nag-CR muna.
Ngunit itinanggi nito na isinako niya ang namatay na aso at ibang tao raw ang gumawa nito.
“Ganito po ‘yun. Tinabi ko muna [siya] sa tindahan ko noong patay na, tapos umuwi muna ako, nag-CR ako. Pagbalik ko, naka-sako na,” ani Solares.
Pinabulaanan rin niya ang mga paratang na balak nitong katayin at iluto si Killia kaya niya ito pinatay.
Sinabi pa niyang hindi raw niya talaga intensyon na patayin ang aso at hindi rin daw siya galit sa may-ari nito dahil hindi naman daw niya alam na sila ang nagmamay-ari kay Killua.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na sa mga otoridad ang may-ari sa namayapang si Killua para bigyang hustisya ang marahas nitong pagkamatay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.