68-anyos na maninisid ng sea urchin binigyan ng pag-asa ni Sam Verzosa
SI LUISA Gomboc, 68 taong gulang at residente ng Boracay, ay kilala sa pagsisid para manghuli ng sea urchins o “tirik”.
Nakahanap siya ng bagong pag-asa at suporta sa kabila ng mga hamong dala ng pandemya. Dahil sa tulong ni Sam “SV” Verzosa, nagkaroon ng mas magandang takbo ang kanyang buhay at hanapbuhay.
Noong pandemya, hindi na makapagtrabaho si Luisa bilang masahista sa Long Beach dahil sa mga restriksyon.
Baka Bet Mo: Wilbert Tolentino ‘nanggagalaiti’ kay Miss Planet International Maria Luisa Valera: Wala kayong modo, sobrang bastos!
Bilang isang senior citizen, labis siyang naapektuhan ng mga mahigpit na patakaran, pero nanatiling bukas ang mga dalampasigan.
Dahil dito, naghanap siya ng ibang paraan para mabuhay at nagsimulang manghuli ng sea urchins na nagbigay sa kanya ng kita at paraan para mapanatiling malusog ang kanyang katawan sa pamamagitan ng regular na paglangoy.
Napansin ni Sam “SV” Verzosa ang determinasyon ni Luisa at ang kakaibang trabaho niya. Nakita niyang may oportunidad para matuto at matulungan si Luisa.
Ibinahagi ni Luisa kay SV ang kanyang kaalaman sa paghuli ng sea urchins gamit ang kutsilyo para maingat na tanggalin ang mga ito mula sa mga corals at bato sa ilalim ng dagat.
Tinuruan din niya si SV kung paano buksan ang sea urchins at kunin ang laman nito para kainin.
Pero hindi palaging may sea urchins, kaya kapag walang huli, nagtitinda si Luisa ng kangkong para pandagdag kita.
Para masuportahan si Luisa, binigyan siya ni SV ng kabuhayan package na may kasamang kumpletong setup ng bigasan – may signage, timbangan, at mga sako ng bigas.
Bukod dito, binigyan din siya ng grocery package, TV, electric fan, at kutson para mapabuti ang kanyang tahanan at kalagayan.
“Talagang na-touch po ako sa kwento ni Nanay Luisa dahil sa kanyang tibay at dedikasyon,” sabi ni SV.
“Na imbes panghinaan ng loob dahil nawalan siya ng kabuhayan noong pandemic, naghanap siya ng paraan para kumita,” aniya pa.
Related Links:
https://www.instagram.com/p/C7JYDGvyHP0/
@samverzosaofficial Negosyong Bigasan para sa lola na ang kabuhayan ay pagtitirik at pagkakangkong. Bilib kami sa sipag mo Lola Luisa. #DearSV #SV #BatangSampaloc
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.