Salamat, SV: Sam Verzosa suportado ang pangarap ng trolley boy sa riles
SI JOHN Erickson Galang ay kilala sa kanilang lugar bilang “Pete”, isang binatang may pangarap na maging seaman.
Positibo niyang maitatawid ang sarili sa maraming hamon upang simulan ang bagong yugto sa kanyang buhay. Salamat sa tulong ni Sam “SV” Verzosa.
Kwento ni Pete, na siya ay 12 taong gulang pa lamang nang magsimulang magtulak ng trolley upang suportahan ang kanyang pamilya.
Baka Bet Mo: Rhian Ramos sinorpresa si Sam Verzosa sa 1st anniversary ng ‘Dear SV’
Kahit mahina ang kanyang pandinig, hindi siya nawalan ng pag-asa para maabot ang kanyang mga pangarap. Gayunpaman, sa papalapit na paghinto ng operasyon ng Philippine National Railways (PNR) sa susunod na limang taon, ang kabuhayan ni Pete bilang isang nagtutulak ng trolley ay nanganib, dahil sa pagsasara ng riles.
Sa episode ng “Dear SV,” tumanggap ng suporta si Pete kay SV. Sa halip na hayaan siya sa pagkawala ng kanyang trabaho bilang nagtutulak ng trolley, regalo ni SV kay Pete ang isang bago at de-kalidad na pedicab na magbibigay sa kanya ng bagong paraan ng pagkakakitaan.
Baka Bet Mo: Engagement nina Rhian Ramos at Sam Verzosa fake news; ‘Dear SV’ tuloy ang pagtulong, pagpapaiyak sa mga Pinoy
Naramdaman ang epekto ng kabutihan ni SV, hindi lamang para kay Pete, kundi pati na rin para sa kanyang pamilya.
Pagkatanggap ng pedicab, hindi napigilan ng ina ni Pete na si Yolanda Hismaña ang kanyang damdamin at nawalan ng malay, sa sobrang tuwa sa pagkakataong magkaroon ng bagong oportunidad ang kanyang anak.
“Kinabahan talaga ako kay nanay,” sabi ni SV habang itinigil ang taping sa pangyayari, “First time mangyari ito sa Dear SV na may nahimatay.”
Bukod sa pedicab, nagbigay din si SV ng mga Frontrow products para masimulan ni Pete ang pagne-negosyo, grocery package para sa buong pamilya, pati na rin ang isang bagong cellphone at laptop upang makatulong naman sa kanyang pag-aaral.
“Nagpapasalamat po talaga ako kay kuya SV sa mga tulong niya. Magtatapos po ako ng pagaaral ngayong taon,” pangako ni Pete.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.