SB19, BINI, Flow G, SunKissed Lola sanib-pwersa sa concert

SB19, BINI, Flow G, SunKissed Lola sanib-pwersa sa ‘Nasa Atin ang Panalo’

Ervin Santiago - June 02, 2024 - 07:39 AM

SB19, BINI, Flow G, SunKissed Lola sanib-pwersa sa 'Nasa Atin ang Panalo'

Flow G, SB19, BINI at SunKissed Lola

HUMANDA na para sa pinakamalaking pagdiriwang ng Original Pinoy Music at ang mga kwento sa likod ng tagumpay ng mga chart-topping OPM hits.

Sa darating na July 12, 2024, 7 p.m. ibabandera ang “Nasa Ating Ang Panalo” concert na magaganap sa Araneta Coliseum.

Baka Bet Mo: Karen Davila sa BINI: ‘OMG ang babait! Tama lang na iniidolo niyo sila!’

Ang selebrasyon ng pasasalamat, na magtatampok ng mga malalaking pangalan sa larangan ng OPM kasama ang SB19, BINI, at Flow G, at isang espesyal na pagtatanghal mula sa SunKissed Lola, ay para sa ika-25 taon ng Puregold.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SB19 Official (@officialsb19)


Sa pamamagitan ng concert na ito,  “Nasa Atin ang Panalo,” nais ipakita ng kumpanya ang malaking pasasalamat nito sa mga masugid na mamimili, mga masisipag na empleyado, at ang patuloy na sumusuportang mga partners na malaki ang nagampanang papel sa pagkamit ng sariling panalong kwento ng kumpanya.

Ang star-studded na “Nasa Ating ang Panalo” concert ay nakatakdang maging isang hindi malilimutang gabi ng musika, inspirasyon, at purong kasayahan.

“Gusto namin itong maging isang taos-pusong pagpupugay sa kwentong katapangan, pagbabago, at panalo ng mga Pilipino—mga panalong kaugalian na mayroon ang ating mga concert artists na sana ay makapagbigay inspirasyon sa kanilang mga kapwa Pilipino.

“At kami ay natutuwang ibahagi ang mga batikang musikero na ito hindi lamang upang ipakita ang kanilang talento, at pasikatin ang lokal na musika, kundi bigyang-diin din ang mga kwento ng SB19, BINI, Flow G, at SunKissed Lola sa pagtupad ng kani-kanilang mga pangarap,” mensahe ng Puregold Price Club Inc. President na si Vincent Co.

Ipinaliwanag din ng kumpanya kung bakit ang mga nabanggit na Pinoy musical artists ang napili para sa event.

Baka Bet Mo: Flow G aprub sa kanta ni Chito; nakipag-collab sa BINI, SunKissed Lola

Naranasan ng P-Pop idols na SB19 ang isang roller-coaster journey, at ang pananatiling matibay upang mapagpatuloy ang kanilang pag-angat sa industriya ng musika.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BINI_ph (@bini_ph)


Ang nabansagang “nation’s girl group” na BINI ay umaawit ng mga kantang tungkol sa nakakakilig na pag-ibig ng kabataan, kasiyahan, at empowerment. Pinapakita rin ng grupo ang patuloy na pag-unlad nito sa pagkukwento ng kanilang mga karanasan sa iba’t ibang paraan.

Si Flow G na kinikilala bilang isa sa mga respetadong icon ng Pinoy rap ngayon ay dumaan at nalagpasan ang maraming pagsubok at hindi bumitaw sa kanyang mga pangarap at layunin na mapalawak ang hip-hop.

Ang minamahal na banda na SunKissed Lola na nagkaisa sa kanilang pagkahilig sa paglikha ng musika, ay ginawang realidad ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng kanilang walang-sawang pagmamahal sa kanilang sining.

Ipinapangako ng “Nasa Atin ang Panalo” concert ang isang gabing puno ng saya para sa mga A’Tins, Blooms, Dolores, at mga tagapaghanga ni Flow G. Asahan din ang mga sorpresang bisita sa concert na mapapaganda ng kabuuang karanasan ng mga pupunta.

Pinaghahandaan na ang magaganap na concert sa pakikipagtutulungan ng Wish 107.5, ang partnership na instrumental—mula pa noong 2021—sa pagtuklas at pagtampok ng mga talento sa OPM.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang partnership na ito ay sumasalamin sa isang ibinahaging pangako na itaguyod at paunlarin ang mga lokal na musikero sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga plataporma na magiging daan upang sila ay mas makaabot ng malawak na mga tagapakinig.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending