Loisa Andalio nag-sorry, nilinaw ang hugot sa ‘solo traveling’

Loisa Andalio nag-sorry, nilinaw ang hugot sa ‘solo traveling’

Pauline del Rosario - May 30, 2024 - 02:08 PM

Loisa Andalio nag-sorry, nilinaw ang hugot sa ‘solo traveling’

PHOTO: Instagram/@iamandalialoisa

HUMINGI na ng sorry ang aktres na si Loisa Andalio kaugnay sa naging opinyon niya tungkol sa pagiging “solo traveler.”

Magugunitang marami ang na-offend sa kanya matapos sabihin sa isang interview na hindi niya nage-gets ang mga taong nagta-travel mag-isa.

“Minsan kasi, ang ano lang, hindi ko maintindihan ‘yong mga tao na nagsosolo travel— parang ang lungkot,” sey ng dalaga.

Dagdag niya, “Kasi, sino ‘yong kabatuhan mo na ‘Ang ganda ng view?’ Grabe ‘yung pinagdadaanan talaga siguro nila para gusto nilang magiging solo na lang.”

Baka Bet Mo: Loisa Andalio sumusumpang walang ipinaretoke sa mukha’t katawan: ‘Your body, your rules… Ayun lang po’

Bilang marami ang bumatikos sa kanyang sinabi, nilinaw ni Loisa sa pamamagitan ng interview ng ABS-CBN na para sa kanyang sariling pananaw lamang ang inihayag niya.

Kasunod niyan ay humingi rin siya ng tawad sa mga nasaktan niya. 

“Medyo bitin talaga ‘yung interview na ‘yun,” panimula ng aktres.

Paliwanag niya, “Ang opinyon ko dun parang for me, kung ako mag-so-solo travel grabe siguro ‘yung pinagdadaanan ko para umabot ako sa mag-solo na lang.” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi ako, ‘yung personality ko gusto ko kasama si Ronnie or ‘yung friends or ‘yung family. Hindi ko nilalahat, sa akin lang ‘yun,” patuloy niya.

Wika pa niya, “Kung na misinterpret ng iba, sorry, opinion ko ‘yun. May opinion din sila nirerespeto ko din.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending