Alfred game makipag-collab kay Piolo: Idol! Siya talaga yung tinitingala
GAME na game si Alfred Vargas sa isang bonggang collaboration kasama si Piolo Pascual na naka-tie niya sa pagka-Best Actor sa FAMAS Awards Night last Sunday.
Super happy at very proud ang aktor at public servant na naka-tie niya si Piolo sa naturang award – siya para sa “Pieta” habang si Papa P naman ay nagwagi for “Mallari.”
“Very happy na nanalo ako along with Piolo. Kasi naalala ko noong Star Circle days ko, idol ko na si Piolo, siya talaga yung tinitingala noon.
Baka Bet Mo: Alfred inalay ang FAMAS best actor award kay Jaclyn; super idol si Piolo
“And to share the stage and this award with him sinasabi ko, napakaswerte ko,” sabi pa ni Konsi Alfred nang makachikahan namin siya after niyang manalo ng Best Actor sa FAMAS.
Sa tanong kung ano pa ang gusto niyang gawing project at kung sinu-sino pa ang nais niyang makasama, “Yan talaga ang malaking katanungan.
View this post on Instagram
“Nakasama ko na ang Superstar at National Artist nating Nora Aunor, si Ms. Gina Alajar, Miss Jaclyn Jose, na mga tunay na icon talaga natin sa movie and TV industry.
“Last night magkasama nga kami ni Piolo sa backstage with photo ops and interview, nagbulungan kami, ibinulong niya sa akin, ‘Let’s do a movie.’ Sabi ko, game ako riyan, kasi hindi ko pa siya nakasama ever sa TV or movie,” kuwento ng aktor.
In fairness, hindi ito imposibleng mangyari dahil pareho silang producer at usung-uso na ngayon ang mga collaboration.
Baka Bet Mo: Alfred Vargas umakyat ng ‘ligaw’ kay Ate Guy: ‘Sobrang kaba…inalok niya akong kumain ng buchi, ng pizza saka pancit’
“Ang gusto ko kasi kay Piolo, kasi yung mga ginagawa niyang projects, noteworthy na talagang dekalibre. Ako, basta gagawa pa tayo ng maraming pelikula, hanggang kaya ko, gagawa pa and will continue acting until the last breath,” sabi pa ni Alfred.
Natanong din ang aktor tungkol sa pagpapa-sexy niya noon sa pelikula, may nasasabi ba ang mga anak niya ngayon about it?
“Hindi ko ikinahihiya. I’m proud of it kasi I’m an artist. Sabi ko sa sarili ko once upon a time naging ganyang kaganda ang katawan ko at least naabot ko iyan. Sa mga anak ko naman in-explain ko na ‘uy that’s acting, that’s art. We’ve got paid to do that and that’s being professional,'” aniya pa.
May mga interesado ba sa mga anak niya na pasukin din ang showbiz? “I’ll be the happiest father kapag nag-artista sila pero kung ayaw nila, I’ll respect them kasi gusto ko gayahin din nila ako sinunod ko lang kung ano ang nasa puso ko.
View this post on Instagram
“Kung hindi mo susundin hindi ka magiging masaya, pwede kang maging succesful pero hindi ka magiging masaya. Gusto ko they’ll follow their dreams,” paliwanag ng celebrity dad.
Nasaan ang puso niya ngayon, showbiz o politics? “Sa public service na talaga kasi mas fulfilling. Ginagawa ko lang ito kasi first love ko ang acting at saka mahal ko naman talaga, pwede naman palang pagsabayin lalo na at konsehal lang tayo so mas marami tayong time.”
Pero saan mas may pressure? “Sa public service. Kasi sa acting sarili mo lang ang iisipin mo, eh. Sarili mo lang ang responsibilidad mo mo. Kasi sa public service responsibility mo lahat ng tao di ba?
“Kaya minsan, di ba problema na ng pamilya mo mahirap na eh, paano pa kaya problema ng iba, kaya kung minsan uunahin mo pa talaga ang iba kaysa sarili mo,” aniya pa.
At sa last question namin kay Alfred kung magre-retire na ba siya sa politics, “Open ako sa ganoon, open ako sa higher position. Open din ako magretiro tapos magpu-full time actor ako. Lalo na siguro ngayon…pero baka nasasabi ko lang yan dahil may award ako.
“But I did well naman eh, noong time natin basta for as long as pinipili tayo ng tao, tuloy lang,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.