Ogie proud na proud kay Nate: Gusto ko yung hindi siya lumaking showbiz
HANGGA’T maaari ay ayaw ni Ogie Alcasid na maging “showbiz” ang nag-iisang anak nila ni Regine Velasquez na si Nate.
Ito ang dahilan kung bakit tina-try talaga nila ni Regine na maging normal ang takbo ng kanilang personal na buhay kahit pa nga matagal na sila sa entertainment industry.
In fairness, binatang-binata na si Nate nang makita namin kamakailan sa trade launch ng A Team na pag-aari ni Ogie at marami nga ang nagsasabi na pwede na rin itong sumabak sa showbiz.
Tahimik lang na nakaupo si Nate sa isang sulok ng CWC Interiors Showroom sa BGC, Taguig, kung saan ginanap ang trade launch last May 23.
View this post on Instagram
Sey ni Ogie tungkol kay Nate, “Binata na e. So, kailangan kong ipaalam ang post. Pero he’s a very…mabait na bata. Matalino.
“Gusto ko na hindi siya showbiz. Yung alam niya na trabaho namin ito. Hindi niya yun dinadala na anak siya ni Regine at Ogie.
“Normal kasi kami e. Hindi kami…you know, nagmo-malling kami. Lumalabas kaming tatlo lang, nagti-trip kaming tatlo lang.
“Priority namin talaga yung family time. Kaya nakakatuwa na lumaki siyang ganu’n,” pahayag pa ng Ultimate Singer-Songwriter nang makachikahan namin at ng ilang members ng entertainment press.
Samantala, ibinalita rin ni Ogie ang pag-graduate ng tatlo niyang anak – si Nate at sina Leila at Sarah, na anak niya sa dating beauty queen na si Michelle Van Eimeren.
Lilipad patungong Australia next month si Ogie para sa graduation ni Sarah, “I’m going to Australia. Kasi yung pangalawa kong anak, ga-graduate. She’s now a nurse.
Baka Bet Mo: Regine ipinagmalaki si Nate: Hindi siya namimili ng kakausapin, kahit anong age, kahit anong estado ng buhay mo
“Actually, tatlo silang ga-graduate. Si Nate, nag-graduate ng grade school. Si Leila, nag-graduate ng college. So, triple celebration,” sabi ni Ogie.
Nang matanong naman kung paano nila ise-celebrate ang Father’s Day sa darating na June, wala raw siyang idea kung may pasorpresa for him si Regine at ang kanyang mga anak.
View this post on Instagram
“Wala lang. Nililibre nila ako,” ang nakangiting sagot ni Ogie.
Tungkol naman sa mga naka-line up na projects ng A Team, nagpa-trade launch nga sina Ogie para ma-meet ang mga sponsors for possible collaboration.
Chika ni Ogie, 21 concerts ang ipo-produce nila simula ngayong taon hanggang 2025. Kabilang na riyan ang reunion concert ng Streetboys na gaganapin sa New Frontier Theater sa November 8.
Nandiyan din ang comeback concert ni Martin Nievera sa Araneta Coliseum sa September; ang concert nina Lara Maigue at Gian Magdangal sa Gateway; ang String Forever concert ni Noel Cabangon; ang PowerX3 nina Jed Madela, Bituin Escalante, at Poppert Bernadas; ang series of concerts ni Ogie; at ang bonggang musical play ng power couple na sina Ogie at Regine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.