Janice ayaw nang mag-asawa uli: I’m really alone and I’m OK with that
HINDI na naiisip ng premyadong aktres na si Janice de Belen na muling mag-asawa makalipas ang ilang taon ng pagiging single.
Tanggap at wine-welcome na ni Janice ang katotohanan kung sakaling tadhana na niya ang tumandang mag-isa at wala nang maging partner sa buhay.
Wala na raw sa mga priority niya sa buhay ang magkadyowa at magpakasal uli matapos silang maghiwalay ng ex-husband niyang si John Estrada.
“Ayaw ko na talaga (na mag-asawa). Okay na naman na ako. I’m really alone and I’m okay with that.
Baka Bet Mo: Janice de Belen wala nang balak mag-asawa: I enjoy being alone, hindi naman ako nalulungkot pagsapit ng gabi…
“I have friends. I have school friends. I have showbiz friends. I also know ‘di mo naman sila kasama araw-araw,” ang sabi ni Janice sa latest vlog ni Bernadette Sembrano.
View this post on Instagram
Aniya pa, “They also have lives. So, you will still be alone when you go home. So, you can’t be happy with another person if you can’t be happy alone.”
Feeling ni Janice, wala na siyang mahihiling pa sa buhay niya ngayon dahil happy naman siya kung anuman ang nangyayari sa kanyang personal life at showbiz career.
“I don’t want to keep needing people. Kasi okay ako, e. Kaya minsan ‘pag sinasabi nilang ‘okay ka ba talaga?’ ‘Oo, okay naman ako.’ And they’ll seem to doubt that,” aniya pa.
Sabi pa ng seasoned actress, mas nag-eenjoy daw siya na gigising sa umaga na ang iisipin lang ay ang kanyang sarili at kung ano ang mga dapat niyang gawin sa araw na yun.
Baka Bet Mo: Maxene Magalona kumpirmadong hiwalay na sa asawa: No date? No problem!
Inamin ni Janice na mahirap talaga sa una ang mabuhay mag-isa pero kalaunan ay nakasanayan na rin niya.
Samantala, sinabi rin ni Janice na hangga’t maaari ay ayaw niyang umalis sa kanilang bahay ang kanyang mga anak.
“But then everybody tells me, ‘Hindi pwedeng ganyan. At some point, hayaan mo sila to do their own things. Dapat hayaan mo silang matutong mamuhay mag-isa. Matuto silang mahirapan.’ Tama naman, may point naman,” ani Janice.
View this post on Instagram
“Pero siyempre nanay ka, ‘di ba? Feeling ko, there was a part of me that trying to compensate for something that I could have not been given, which is a complete family. So, feeling ko ‘pag sinabi mong best, dapat best life talaga,” dugtong ng aktres.
Pag-amin pa niya, “Kaya kung minsan, feeling ko parang hindi ko naturuan masyado ng life skills ‘yong mga anak ko. ‘Yung pagliligpit, pagwawalis. I think my children don’t know how to do that.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.