Maxene Magalona kumpirmadong hiwalay na sa asawa: No date? No problem!
HINDI na kami nagulat sa pag-amin ni Maxene Magalona na ‘single’ na siya ngayon dahil matagal na naming bina-blind item ang aktres na hiwalay na sila ng kanyang asawang modelo na si Rob Mananquil.
Caption ni Maxene sa larawang pinost niya nitong HUwebes ng gabi sa kanyang Instagram account na mag-isa siyang kumakain sa isang samgyeopsal restaurant.
Aniya, “No date? No problem!
“Perks of being single and childless: You have full control of your schedule. You can literally do anything you want on any day at whatever time (emoji shrugging).
“I watch movies in the cinemas alone, take myself out on dates and go on long solo drives especially when my vibration is low.
“One time, I even felt the sudden urge to buy crystals for extra protection and I was able to do it easily because I have no one else to think of but myself (emoji praying hands)
View this post on Instagram
“Life is all about perspective. Do you see your glass half empty or half full? I see mine overflowing.
“Soul-o date night with my trusty iPhone timer at my favorite Korean restaurant @jinjookorean. They currently have an ongoing promo until October 30—unlimited enoki for
₱1 only. Enjoy.”
Paid-ad kaya ang post na ito ni Maxene dahil binanggit niya ang name ng restaurant at may promo ito? Pero ang nakakagulat ay ang pag-amin niyang single siya.
Anyway, hinalungkat namin ang petsa kung kailan namin isinulat sa pamamagitan ng blind item, January 10, 2021 pa pala ito.
Inakala nga namin na sa pagpunta nila noon sa ibang bansa para sa healing process nila ay magiging okay na sila pagbalik nila ng Pilipinas pero hindi na raw nangyari dahil nagkahiwalay na.
At nagsimula na rin ang mga cryptic post niya noon hanggang ngayon na mapapansin ding hindi na niya kasama ang asawa sa mga pino-post niya.
Anyway, nag-komento ang aktres na si Kathleen Hermosa sa post na ito ni Maxene, “ Uhuh!!! Totally agreeing with you on that!! Must learn to be happy alone so we are whole and completely healed when God’s best come along. Or we can totally be happy ALONE!! Dyan naman lagi si God e—We are never alone!! Miss you Max.”
Si Kathleen ay matagal na rin hiwalay sa asawa kaya nakaka-relate siya sa estado ngayon ni Maxene.
White heart emoji naman ang komento ng aktres na si Carla Abellana na isa ring hiwalay sa asawang si Tom Rodriguez.
Samantala, tsinek namin ang IG account ni Rob Mananquil pero naka-pribado na ito.
Bukas ang BANDERA sa panig ni Rob o ng kampo niya tungkol sa hiwalayan nila ni Maxene.
Related Chika:
Maxene Magalona na-shock; may nadiskubreng koneksyon sa amang si Francis at asawang si Rob
Paalala ni Maxene sa mga ‘Marites’: Gamitin ang energy sa pagdarasal kesa magtsismisan
Maxene tuwang-tuwa nang makapasok uli ng sinehan; nagbigay ng 8 benefits ng regular na pagtakbo
Maxene dedma pa rin sa tsismis na hiwalay na sila ni Rob: I’m not here to gossip about my journey…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.