Diwata walang dyowa, tikim-tikim lang: Baka maubos ang puhunan!

Diwata walang dyowa, tikim-tikim lang muna: Baka maubos ang puhunan!

Ervin Santiago - May 28, 2024 - 01:00 AM

Diwata walang dyowa, tikim-tikim lang muna: Baka maubos ang puhunan!

Diwata

SUMUSUMPA ang tinaguriang Pares Diva at sikat na social media personality na si Diwata na wala siyang dyowa ngayon.

Totoo raw talaga na may mga dati siyang boyfriend na nakikipagbalikan sa kanya mula nang sumikat ang kanyang pares business at mapasok sa mundo ng showbiz.

Pero sabi ni Diwata, wala raw muna sa isip niya ngayon ang pumasok sa isang seryosong relasyon dahil mas gusto muna niyang samantalahin ang lahat ng opportunities na dumarating sa buhay niya.

Baka Bet Mo: Diwata gustong makahalikan si Marvin; itinigil na ang hiring sa paresan

In fairness, star na star na talaga si Diwata dahil kahit saan siya magpunta ay pinagkakaguluhan siya at halos lahat ng makasalubong niya ay nagpapa-picture sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Mas lalo pa nga siyang nakilala ng mga tao dahil sa paglabas niya sa teleserye ni Coco Martin sa ABS-CBN na “FPJ’s Batang Quiapo”.

Sa pinuntahan nga naming event recently, ang first-ever Shift x Chillax VapeFest sa Metrowalk Tent Convention Center sa Pasig City ay walang-tigil ang pagpila ng mga naroon para magpa-selfie sa kanya.

At in fairness, uli, ine-entertain niya ang lahat ng gustong magpa-picture sa kanya, contrary sa reports na sinusupladahan at dinededma niya ang ibang nais magpalitrato sa kanya.

Ibinalita sa BANDERA ni Diwata nang makachikahan namin sa nasabing VapeFest na may second branch na ang kanyang Pares Overload restaurant na matatagpuan sa Quezon City.

Baka Bet Mo: Sagot ni Diwata sa vlog ni Ogie: Kung hindi gusto, huwag nang bumalik!

Siyempre, katas daw ito ng kanyang pagsisipag sa negosyo at sa iba pa niyang karaketan, kabilang na ang kinikita niya sa pagiging content creator.

Sa tanong namin kay Diwata kung kumusta naman ang kanyang buhay-pag-ibig, “Actually, ang love life ko ngayon, ang lalaki ko ngayon, parang ano lang, tikim-tikim lang muna.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ayoko munang seryosohin ang relationship. Alam n’yo kung bakit? Kasi iniisip ko, baka mamaya, kapag nagdyowa ako ng 2 or 3, bukas, wala akong puhunan, maubos!

“So, feeling ko, habang nagtitinda ako, nagbi-business ako muna, mag-iipon muna ako. Kasi feeling ko, kapag marami ka nang pera, mas marami ka pang lalaki, ‘di ba?” ang natatawang chika pa ni Diwata.

Samantala, kinumusta rin kay Diwata ang pagsasama nila ni Coco Martin sa “FPJ’s Batang Quiapo”. Aniya, “Noong una talaga, halos hindi ko mabitawan ‘yung script ko kasi nate-tense ako dahil kami ang magkaeksena.”

Ngunit saludo raw siya sa kabaitan at pagiging professional ni Coco dahil palagi siya nitong inaalalayan at tinuturuan sa kanyang mga eksena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sabi niya, ‘relax ka lang, huwag kang masyadong mailang, ganito ang gawin mo,’ tinuturuan niya talaga ako, gina-guide niya ako kaya ngayon, natututo na rin ako,” sabi pa ni Diwata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending