Unang kaldero ni Diwata sa paresan binili ni Boss Toyo

Unang kaldero ni Diwata sa paresan binili ni Boss Toyo ng P3k kahit butas na

Ervin Santiago - May 26, 2024 - 08:32 AM

Unang kaldero ni Diwata sa paresan binili ni Boss Toyo ng P3k kahit butas na

KAHIT may butas at luma na, binili pa rin ng content creator at negosyante na si Boss Toyo ang pag-aaring kaldero ng Pares Diva na si Diwata.

Ibinenta nga ng online sensation na si Diwata ang kauna-unahang kaldero na ginamit niya nang magsimula ang kanyang sikat na sikat ngayong pares business.

Sa isang YouTube vlog ni Boss Toyo ay ipinakita nga ang pagbili niya ng naturang kaldero. Nagkasundo naman sila na bayaran ito sa halagang P3,000.

Bago tuluyang ibigay kay Boss Toyo ang makasaysayang kaldero, pinirmahan muna ito Diwata bilang patunay na siya talaga ang may-ari nito.

“Simula nu’ng nag-start ako mag-pares ito talaga yung kaldero ko sa Pasay,” ang pahayag ni Diwata nang matanong ni Boss Toyo kung gaano na ito katagal sa kanyang pangangalaga.

Baka Bet Mo: Diwata yumabang na raw, sey ni Rosmar: ‘Intindihin n’yo na tao lang kami’

Patuloy pa niya, “Nagsimula kasi ako sa pagpapares, cart lang siya. May nagbenta sa akin ng second hand na cart tapos bumili ako ng kaldero.”

Kuwento pa ni Diwata, taong 2020 nang simulan niya ang negosyong paresan at hindi rin naging madali para sa kanya ang mga unang buwan ng kanilang operasyon.

“Actually ‘yung cart na ‘yun wala na ‘yun eh, na-clearing din ‘yung eh, kinuha ng clearing operations, hindi ko na natubos.

“Ito, naiwan ‘yung kaldero ko. May butas na siya pero pwede namang tagpian na lang natin,” pagbabahagi pa niya.

Sa ngayon ay napapanood si Diwata sa Kapamilya series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin. In fairness, puring-puri ng Teleserye King ang Pares Diva dahil sa galing at talento nito.

“May maliit na eksena na may kakainan kami. Sabi ko try niyo nga ipatawag si Diwata. Kapag pumunta ‘to, ibig sabihin para sa kanya ‘yung role. Eh, nagke-creative ako noon, bigla siyang dumating,” kuwento ni Coco tungkol sa pagpasok ni Diwata sa “Batang Quiapo.”

“Alam ko kasi busy siya, eh. And noong dumating siya, tinanong ko siya. Sabi ko ‘gusto mo bang mag-artista?’

“Sabi niya, ‘gusto po.’ ‘Anong artista, gusto mo lang bang masubukan? O gusto mo talagang maging artista?’ ‘Kahit ano po,’ ‘yun ang sagot niya,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi pa raw ni Coco kay Diwata sa pagkakapili sa kanya sa serye, “May committment ‘yan, kami nagte-taping ng M-W-F (Mondays-Wednesdays-Fridays). Sabi niya, ‘kahit ano po wala pong ano’ kumbaga ‘yung dedication nandoon.

“Siyempre nakikita ko sobrang lakas ng negosyo niya, busy siya, ang dami niyang nakakausap na tao,” sey pa ng aktor at direktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending