Raymart, Claudine napasayaw sa dance recital ni Sabina; nangangamoy balikan | Bandera

Raymart, Claudine napasayaw sa dance recital ni Sabina; nangangamoy balikan

- November 02, 2016 - 12:25 AM

 

CLAUDINE BARRETTO AT RAYMART SANTIAGO

CLAUDINE BARRETTO AT RAYMART SANTIAGO

“MUKHANG nangangamoy balikan!” Yan ang nagkakaisang pahayag ng ilang followers ng estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago sa social media.

Ito’y matapos ngang kumalat ang video ng anak nilang Sabina na kuha sa dance recital ng bagets kasama ang mga miyembro ng G-Force Dancers.

Si Claudine ang nag-post ng nasabing dance video ng anak sa kanyang Instagram account at itinag pa niya si Raymart na ni-repost naman ng aktor sa kanyang IG.

Bukod sa pagsasayaw ni Sabina mapapanood din sa video sina Claudine at Raymart na nasa audience na napapaindak din at proud na proud habang nagpe-perform ang bata.

Isang follower ni Claudine sa IG na pinaniniwalaang staff din ng aktres ang nagkomento na namana raw ni Sabina ang galing nito sa pagsasayaw kay Raymart.

Hindi naman ito kinontra ng aktres, “Oo na sige sa tatay na nagmana sa galing mag dance. Sa akin naman yung charm at bait, di ba?”

At dahil nga sa patuloy na gumagandang relasyon nina Raymart at Claudine matapos ang mga iskandalong kinasangkutan nila noon bilang mag-asawa na nauwi pa sa demandahan, marami ang nagwi-wish na sana’y magbalikan na lang sila.

Sey pa nga ng isang fan ni Claudine, “Nakaka-good vibes ang aura nila ngayon. Feeling ko love pa nila ang isa’t isa may pigil factor lang dahil sa pag-aaway nila dati.

“Pero ngayong maayos na ang lahat dahil na rin sa kanilang mga anak, it’s not impossible na maging sila uli. Malay natin sila pala talaga ang itinadhana! Siguradong ang winner dito ay ang kanilang mga anak!” sey pa ng supporter ni Claudine.

Sa huling panayam namin kay Raymart matigas pa rin ang paninindigan niya tungkol sa isyu ng balikan, hindi na talaga niya nakikita ang sarili na nakikipagbalikan kay Claudine. Mas okay na raw yung civil sila at nagkakasundo para sa pangangailangan nina Sabina at Santino.

q q q

Hindi napigilan ni Matteo Guidicelli na mapaiyak sa nakaraang episode ng Magandang Buhay kahapon. Ito’y matapos niyang mapanood ang video message ng kanyang pamilya para sa kanyang 10th anniversary sa showbiz.

Mas lalo lang naging emosyonal ang boyfriend ni Sarah Geronimo nang alalahanin ang kanyang lolo na pumanaw last year.

“First time kong umiyak sa TV. Kasi you know Nonno (palayaw ng kanyang lolo) always wanted to see me do all of these. I believe na even if we lose somebody in our life, he or she is always there watching us. Kumbaga, kahit anuman, kahit akala natin wala na sila, they are still there in front of us, on top, guiding us and hopefully proud of us,” ani Matteo.

Kuwento pa ng binata, nagtayo pa sila ng isang Italian resto sa Cebu, ang Trattoria da Gianni, na ipinangalan nga sa kanyang lolo.

Plano rin ng binata na pasukin ang pagpo-produce, “Sana maging producer ako, pwede ako maging producer. Anything, live events, movies, documentaries.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I want to learn more and learn more about the industry, about filmmaking and all these things. Sana in the future I can produce events for other artists,” aniya pa na pinaniniwalaang paghahanda na niya at ni Sarah sa pagbuo ng sariling pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending