Streetboys kumpleto sa reunion dance concert; A Team ni Ogie ang producer

Streetboys kumpleto sa reunion dance concert; A Team ni Ogie ang producer

Ogie Alcasid at Streetboys

PINATUNAYAN ng original members ng Streetboys na kayang-kaya pa rin nilang makipagsabayan pagdating sa hatawan on stage.

Nag-perform ang iconic all-male dance group sa pangunguna nina Vhong Navarro at Jhong Hilario sa super successful trade launch ng A Team productions and talent management na ginanap sa CWC Interiors Showroom last May 23, sa BGC, Taguig City.

Punong-abala sa evert ang may-ari ng A Team na si Ogie Alcasid na nagsabing hindi muna sila magiging active sa pag-manage ng talents at magpo-focus daw sila this year hanggang 2025 sa pagpo-produce ng concerts.

Baka Bet Mo: Vhong Navarro muling nakasama ang mga kasamahan sa StreetBoys

Ayon kay Ogie, aabot sa 21 shows ang maaari nilang i-produce under A Team na magsisimula ngayong taon hanggang sa 2025, kabilang na nga riyan ang reunion dance concert ng Streetboys na magaganap sa November 8, sa New Frontier Theater.


Saksi kami sa muling paghataw ng naturang grupo sa trade launch ng A Team kung saan present sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Danilo Barrios, Meynard Marcellano at Nicko Manalo.

“Pini-prepare namin yung dating hatawan ng Streetboys na ipapakita pa naming makipagsabayan, and of course yung pinakaano, yung makukumpleto uli kami,” ang pahayag ni Jhong after ng kanilang performance.

“Panonoorin uli nila ang pagsasayaw namin sa isang place, na hindi pa nangyayari sa matagal na matagal na panahon. Ang dami nang napagdaanan namin, siyempre 31 years na kami, e.

“Bago man lang kami totally tumanda na, hindi na kami makapagsayaw, gusto namin…last hurrah na makapag-perform ulit kami nang sabay-sabay,” dagdag pang chika ng TV host at aktor.

“Siyempre, inaalay namin ito sa lahat sa mga Streetboys supporters, para ito sa kanila,” sey pa ni Jhong.

Baka Bet Mo: Streetboys kumampi kay Vhong Navarro: Naniniwala kami na siya ay inosente

Samantala, kuwento naman ni Ogie,  narinig niyang pinag-usapan nina Vhong at Jhong ang pinaplano nilang reunion concert ng kanilang grupo kaya agad niyang inalok ang mga kasamahan niya sa “It’s Showtime” na ang A Team na ang magpo-produce nito.


“Akala nila, hindi ako seryoso. So, I started talking to Direk Chito (Roño, manager ng Streetboys). We had meetings, ayun, tuluy-tuloy na. Sobrang exciting!” sabi pa ni Ogie.

Nangako naman si Ogie na bukod kina Vhong, Jhong, Meynard, Danilo at Nicko na nagpakitang-gilas uli sa pagsasayaw sa kanilang trade lauch, darating din sa reunion concert ng Streetboys ang iba pang miyembro ng grupo, tulad nina Spencer Reyes, Chris Cruz, Joey Andres, Joseph de Leon at Michael Sesmundo.

“Darating sila. Lilipad sila. I’m so happy na nangyari lahat yan. All in God’s time. Alam n’yo, nu’ng pinaplano pa namin yun… si Vhong, siguro last year.

“Alam n’yo naman ang nangyari kay Vhong. Even before we’re planning it, hanggang sa…ito kasama na natin siya ulit. This is the right time.

“Hindi ko pa alam kung ano naiisip nila, e. So far, the history of Streetboys, ikukuwento nila, kung paano sila naging Streetboys.

“Natutuwa ako, kasi yung mga fans nila sobrang excited. And me as a fan. Mas nauna ako sa kanila, pero naalala ko sila nu’ng nagsimula. Excited ako!” sabi pa ni Ogie.

Nakita rin namin sa matagumpay na trade launch nina Ogie sina Regine Velasquez, Martin Nievera, Jed Madela, Ryan Bang, Ara Mina at ang mga talent ng A Team na sina Lara Maigue, Gian Magdangal. Nag-host naman sa event sina Amy Perez at Randy Santiago.

Read more...