Clique V member walang takot na nagpakita ng pwet sa concert | Bandera

Clique V member walang takot na nagpakita ng pwet sa concert

Alex Brosas |February 27,2019
facebook
share this

Clique V member walang takot na nagpakita ng pwet sa concert

Alex Brosas - February 27, 2019 - 12:25 AM


WATCHED “This Is Me” concert of Belladonnas and Clique V sa Skydome last weekend.

Grabe ang stamina ng mga bagets. Carry nila ang mahabang palabras. Showcase kung showcase ang kanilang drama. Bawa’t grupo ay may kani-kaniyang production number na nagpakita ng kanilang galing sa pagsayaw at pagkanta.

Pero nagulat ang lahat sa mapangahas na dance number ng Clique V member na si Marco. Kasama ang dalawang dancer, nagtapos ang kanyang number sa pagbatak ng dalawang dancers ng kanyang pants.

Ayun, na-expose ang butt ni Marco na talagang ikinaloka ng audience. Isa si Marco sa pinaka-sexy sa show kaya naman tilian ang fans.

Bongga rin ang mala-“Chicago” number ng Belladonnas. Grabe ang kanilang hatawan on stage.

Powerful singer pala si Adelle at sa solo number niyang “And I Am Telling You” ay talagang napahanga ang lahat. Sexy naman si Sanya Lopez who did two numbers. Pangabog ang kanyang outfit na kurba kung kurba ang kanyang katawan.

Jak Roberto and Ahron Villaflor showed their hunk side in their production number kasama ang dalawang Belladonnas. Grabe ang kanilang sex appeal at nag-uumapaw ang kanilang kaseksihan. Hit na hit din ang Michael Jackson number ng Clique V.

Of course, hindi rin nagpatalbog ang Belladonnas and they showed that they can perform well. Talagang tangga kung tangga sila sa isang production number.

But the most heartwarming segment was one which featured Clique V and Belladonnas’ parents. Halos maiyak lahat ng members ng grupo habang inaawitan nila ang kanilang ama o kaya ina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending