Jeraldine Blackman may ispluk kay Dominic; kinilig kina Gabby at KC

Jeraldine Blackman may ispluk kay Dominic; kinilig kina Gabby at KC

Dominic Roque, Jeraldine Blackman at Rei Tan

KILIG na kilig ang sikat na content creator na si Jeraldine Blackman ng The Blackman Family vlog sa ex-fiancé ni Bea Alonzo na si Dominic Roque.

In fairness, ang sarap-sarap kachikahan ni Jeraldine dahil bukod sa nakakatawa siya ay marami ka ring mapupulot na life lessons mula sa mga naging experience niya sa buhay.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo sa pagkakaroon ng mga anak kay Dominic Roque: ‘Yes, sayang naman ‘yung lahi, ‘di ba?’

Humarap ang vlogger sa ilang miyembro ng entertainment media kamakailan para sa bonggang pagpapakilala sa kanya bilang latest ambassador ng Beautéderm Corporation ni Miss Rei Tan.


Game na game na sinagot ni Jeraldine ang mga tanong ng press kabilang na nga ang mga tanong tungkol sa mga sikat na showbiz personalities sa Pilipinas.

Nabanggit kasi niyang maraming artistang nagla-like sa kanyang mga post sa social media kaya natanong siya kung kanino na siya kinikilig.

“Oh my God! Si Dominique Roque!” ang  mabilis na sagot ng content creator.

Dagdag pa niyang chika, “Nag-follow nga siya sa ‘kin, tapos tiningnan ko, ay follow-back ako! Kapal-kapal nga ng mukha ko, follow back pa ako, hindi pa ako ‘yung nag-follow! Ha-hahaha!”

Baka Bet Mo: Dominic Roque excited na nga bang magkaanak kay Bea Alonzo?

Sey pa ni Jeraldine friends na raw sila ngayon ni Dominic. Ang sundot na tanong sa kanya ay kung nag-follow din ba sa kanya ang ex ni Dom na si Bea?

“Hindi,” ang nakangiting sagot ni Jeraldine.

Bukod kay Dominic, super kinilig din daw siya kay KC Concepcion na nag-follow din sa kanya at nag-message pa nang personal.

Nabanggit din niya ang pangalan ni Gabby Concepcion na na-meet pa raw niya sa Isabela, “Nagpa-picture talaga ako sa kanya, sayang ang chance! Ha-hahaha!”

Samantala, abot-langit naman ang pasasalamat niya sa CEO at Presidente ng Beautéderm, ang super successful entrepreneur na Rei Anicoche-Tan.


Sa ginanap na contract signing ni Jeraldine last May 22, sa Beautéderm Headquarters, Angeles City, masayang-masaya ang internet sensation sa milestone na ito ng kanyang buhay.

Sa mga hindi masyadong aware, si Jeraldine at ang kanyang pamilya (Australian husband Josh Blackman at mga anak na sina Nimo and Jette) ay sikat na sikat ngayon sa kanilang The Blackman Family vlog. Milyun-milyon ang views ng videos nila sa socmed, lalo na sa TikTok.

“Ate Rhea contacted me and she said she’s been following me for a long time already. I was very surprised. I had no idea that a well-known businesswoman knows me. We kinda like speak the same language. We’re both Ilocanas,” pagbabahagi ni Jeraldine.

Ayon naman kay Miss Rei, perfect na perfect si Jeraldine na maging ambassador ng tatlong bago nilang produkto.

Read more...