Gigi de Lana tuloy ang show kahit nagluluksa sa pagpanaw ng ina

Gigi de Lana tuloy ang show kahit nagluluksa sa pagkamatay ng ina

Therese Arceo - May 25, 2024 - 10:46 PM

Gigi de Lana tuloy ang show kahit nagluluksa sa pagkamatay ng ina

THE show must go on ang atake ng singer at aktres na si Gigi de Lana sa kabila ng bigat na nararamdaman niya sa pagkamatay ng kanyang ina.

Base sa naiulat ng talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang “Showbiz Update” ay naibahago niya ang pagpapatuloy ng dalaga sa kanyang performance sa kanilang concert sa Saskatoon, Canada sa kabila ng balita na namayapa na ang ina.

“She [Gigi] was really sad throughout the night and the reason she chose not to go home the next day was so she finished her commitments so she can take the earnings to pay for the bills of her mother’s medical bills and the funeral,” ito ang mensaheng nakarating kay Ogie.

Pinuri nga ng talent manager ang pagiging propesyunal ng dalaga.

Baka Bet Mo: Nanay ni Gigi de Lana pumanaw na matapos makipaglaban sa breast cancer

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Talagang ano, kumbaga, the show must go on. Kahit na may dinaramdam, may lungkot sa puso ni Gigi, nagpaka-professional pa rin siya para walang masabi ang mga tao,” pagpapatuloy ng talent manager.

Hinangaan nga ni Ogie ang ipinakita nitong ugali at ang pagsasakripisyo nito para sa ina.

“Alam mo gusto kong hangaan [at] saluduhan si Gigi de Lana,” sey pa ni Ogie.

Ipinakita rin sa kanyang vlog ang video ng dalaga habang ibinabahagi nito sa kanyang mga manonood ang balitang nasa ICU ang ina habang nagpe-perform siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinaalala rin ni Gigi na sana ay patuloy na ipakita ang pagmamahal sa mga mahahalagang tao sa buhay dahil hindi natin alam kung kailan mawawala ang mga ito.

“Ang aming pakikiramay sa iyo at alm natin na nandoon na sa Itaas ang iyong mahal at dakilang ina, nakasubaybay sa iyo,” mensahe pa ni Ogie.

Matatandaang nitong May 14 nang kumpirmahin ni Gigi sa isang social media post ang pagkamatay ng ina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending