Yassi 'minukbang' ni Luigi Villafuerte nang maghalikan sa stage

Yassi ‘minukbang’, ‘hinigop’ ni Luigi Villafuerte nang maghalikan sa stage

Ervin Santiago - May 25, 2024 - 10:55 AM

Yassi 'minukbang', 'hinigop' ni Luigi Villafuerte nang maghalikan sa stage

NALOKA ang mga nakapanood sa “laplapan scene” ng magdyowang Yassi Pressman at Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.

Iba’t iba ang naging reaksyon ng netizens nang mapanood nila ang video ng aktres habang nakikipaghalikan sa gobernador sa harap mismo ng sandamakmak na tao.

Nangyari ito sa opening ng Kaogma Festival nitong nagdaang Huwebes ng gabi, May 23, kung saan nag-duet sina Gov. Luigi at Yassi ng “Hero” ni Enrique Iglesias.

Sa isang bahagi ng programa ay ipinakilala muna ni Luigi si Yassi sa kanyang mga constituents bilang isa sa mga mahal niya sa buhay.

Nagsalita rin siya tungkol sa magaganap na week long Kaogma Festival sa kanilang probinsya.

“Siyempre mga taga-Camarines Sur, I want to thank the most special person in the life of your governor.

“Mahal, Yassi, thank you for all what you’ve done to me. Thank you for helping making this possible.

“I want to say in front of the a hundred thousand Camarinenses now, I love you, Yassi,” pahayag ni Luigi.

Humataw muna si Yassi sa pagsasayaw sa saliw ng “Lagabog” ni Skusta Clee, “Water” ni Tyla, at “Salamin” ng BINI. At pagkatapos nga nito ay muling umakyat sa stage si Luigi para sa duet nila ni Yassi.

Tilian at palakpakan ang audience lalo na nang biglang maglapit ang kanilang mga mukha nila. At lalo pang lumakas ang sigawan ng mga nasa event nang halikan na ng gobernador si Yassi.

Pero mas nawindang ang mga um-attend sa opening ng Kaogma Festival nang muling halikan ni Luigi si Yassi na akala mo’y wala nang bukas.

Komento nga ng mga netizens, tila hinigop at minukbang na ng public official ang aktres dahil sa tagal at tindi ng kanilang kissing scene.

May mga natuwa at naaliw sa ginawa ng magdyowa on stage pero meron din ang na-offend at na-turn off dahil nahalayan daw sila sa naturang eksena.

Actually, hindi ito ang unang pagkakataon na nag-kiss in public ang magkarelasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ibinandera na ni Yassi noon ang kanyang pagmamahal kay Luigi sa pamamagitan ng mga sweet photos at video nila together sa isang local fashion event na ginanap sa National Museum of the Philippines, kabilang na ang pagki-kiss nila sila sa lips.

Matatandaang unang isinapubliko ni Gov. Luigi ang relasyon nila ni Yassi noong February 21, 2024, kung saan sa isang event ay tinawag niyang “love of my life” ang aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending