Xian Gaza magreretiro na sa pagiging Pambansang Marites?

Xian Gaza magreretiro na sa pagiging Pambansang Marites?

Therese Arceo - May 24, 2024 - 07:47 AM

Xian Gaza retired na sa pagiging Pambansang Marites?

PHOTO: Facebook/Christian Albert Gaza

MUKHANG plano nang iwan ng social media personality na si Xian Gaza ang kanyang buhay bilang “Pambansang Marites”?

Sa kanyang Facebook page noong Linggo, May 19, ibinandera niya kung gaano kapayapa ang kanyang buhay sa ngayon.

“O kay sarap ng buhay na tahimik at walang alam sa kahit na anong tsismis,” pagbabahagi ni Xian.

Mukhang maganda ang epekto ng pagkakaroon ng fiancee ng kilalang personalidad dahil naiiiwas ito sa pang-iintriga sa mga artista.

Baka Bet Mo: Xian Gaza ‘scripted’ raw ang viral na lalaking nagpatattoo sa noo

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Isiniwalat rin ni Xian kung paano niya nakakamit ang kapayapaan na nararanasan ngayon.

“HOW? Basically, hindi ako nag-i-scroll sa news feed ko for the last 3 weeks.

Magpo-post lang ako tapos logout. After 3 days na ulit magla-login at magpo-post ng bago. Repeat,” sey ni Xian.

Deklara pa niya sa comment set: “RETIRED MARITES.”

Nag-post rin si Xian ng inspirational message para sa kanyang mga followers.

“Magpatuloy ka kahit walang naniniwala sa ‘yo. Don’t allow their negativity to define who you are. Huwag mong hayaan na hanggang diyan ka na lang just because no one believe in you.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Just because minamaliit ka nila. It’s true na wala kang kailangang patunayan sa lahat pero kailangan mong patunayan sa sarili mo that you can do better.

“That you can aim higher. Kasi once tinanggap mo na sa sarili mo na hanggang diyan ka na lang at wala ka ng mararating pa, you will live your everyday life without purpose,” ani Xian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending