Andrea humugot: Pag tinamaan ng pag-ibig, puwede kang manghina

Andrea hugot na hugot: Pag tinamaan ka ng pag-ibig, puwede kang manghina

Ervin Santiago - May 23, 2024 - 11:27 AM

Andrea hugot na hugot: Pag tinamaan ka ng pag-ibig, puwede kang manghina

Andrea Brillantes, Kyle Echarri at Glenda dela Cruz

SUPER happy ngayon sa kanyang showbiz career at personal life ang  Kapamilya actress at influencer na si Andrea Brillantes.

Ine-enjoy daw niya nang bonggang-bongga ang pagiging single at masasabi niyang maligaya naman siya kahit walang boyfriend.

Sey ni Andrea, mas naka-focus siya ngayon sa kanyang sarili at sa pagtatrabaho at hindi na muna niya iniisip ang pagkakaroon ng bagong lovelife.

Baka Bet Mo: Pagmumura ni Jasmine sa ‘Glimpse Of Forever’ pinalakpakan; Anne sumuporta

“Honestly, l’m fine alone. Kahit mag-isa ako, kayang-kaya ko ang lahat,” diretsahang pahayag ng dalaga sa panayam ng “Tao Po.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


Pero ipinagdiinan ng lead star ng Kapamilya suspense-drama series na “High Street” na hindi naman daw siya na-trauma sa lalaki at bukas na bukas pa rin ang puso niya na umibig uli.

“Kasi ang love, ang kaisa-isang emosyon na kahit perfect ka na siguro, kapag tinamaan ka ng pag-ibig, puwede kang manghina,” aniya.

Knows din ni Andrea na hindi lahat ng love story ay may happy ending dahil bata pa lang siya ay mamulat na siya sa  realidad ng pakikipagrelasyon.

“Sa pag-separate ng parents ko, klarong-klaro sa akin at the very young age, na mas ikakabuti ng buhay ko at buhay naming lahat kung hindi na sila together.

Baka Bet Mo: Xian Gaza umeksena sa bangayang Rosmar-Glenda: ‘Nabababoy tuloy yung term na CEO’

“Mahirap siya, oo. When I was seven pa lang, hindi ko magets kung bakit nag-i-stay pa sila sa isa’t isa kung ganyan. Pero noong na-in love na ako, na-realize ko na ang hirap pala,” pahayag pa ng aktres na ang huling naging dyowa ay si Ricci Rivero.

Samantala, naging host naman si Andrea kasama si Kyle Echarri sa Skin Essentials event sa Boracay Island nitong May 19 kung saan pinakilala ang kanilang bagong ambassador at bagong product line.

Pinangunahan ng CEO ng Brilliant Skin Essentials, Inc., na si Ms. Glenda dela Cruz ang nasabing event kung saan nagpasalamat at ibinahagi ang excitement sa mga bagong plano ng BSE.

“Welcome to Brilliant Summer and sobrang nao-overwhelm ako, wala na ako masabi. Thank you din sa team for making this possible. Sabi nga nila may mga nagko-comment, ‘Ms. Glenda, hindi na summer pero sa atin summer na summer pa din,'” pahayag niya.

Si Miss Glenda ay nag-imbita ng mahigit 300 na bisita—franchisees at distributors—all-expenses-paid para siguradong ma-enjoy nila ang event.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri)


Isa ang kanilang endorser at bagong renew ng kanyang kontrata sa brand na si Andrea, sa mga dumalo sa festivities at nag-perform sa stage kasama si Kyle, ang bagong ambassador ng brand.

Nang tanungin si Andrea tungkol sa favorite part niya bilang brand endorser, “Ang favorite part ko siyempre, ‘yung pinaka importante  effective po talaga ang products. Masasabi ko ito dahil user po ako simula 15 years old pa lang ako.”

“Ramdam ko naman din ‘yun. I feel like masasabi din ni Blythe, ‘yung paborito niyang part, para kayong pamilya talaga,” dagdag ni Kyle.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa sa mga highlights ng event ay ang introduction at pagpirma ng kontrata ni Kyle. Ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat kay Miss Glenda, “Maraming salamat po. I love you all. Sana matagal pa nga po tayo. I’m so grateful and so blessed to be part of the family.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending