Lovi walang paki kung maliit ang boobs; nilait dahil sa balat

Lovi walang paki kung maliit ang boobs; nilait dahil sa kulay ng balat

Reggee Bonoan - May 22, 2024 - 08:10 AM

Lovi walang paki kung maliit ang boobs; nilait dahil sa kulay ng balat

Monty Blencowe, Lovi Poe at Gracee Angeles

NAKATIKIM din ng panlalait ang aktres na si Lovi Poe noong nasisimula pa lang siya sa showbiz sa edad na 15.

Pero wala naman kaming narinig noong may mall show siya sa SM North Edsa dahil ang una niyang career ay ang pagiging mang-aawit bago umarte sa harap ng kamera.

Ang madalas naming naririnig noong komento sa kanya ay “kayumanggi pala ang anak ni FPJ (Fernando Poe, Jr) at maganda.”

Sa kabila ng mga papuri sa kanya noon ay may mga naririnig naman daw siyang, “Hindi ‘yan sisikat!”

Baka Bet Mo: Lovi Poe ‘sinita’ ng dyowa nang mahuling sweet-sweetan kay Piolo Pascual

Nagbalik alaala si Lovi sa ginanap na contract signing niya sa ikalawang taon bilang SCD (Skin Care Depot) endorser kasama ang CEO na si Ms. Gracee M. Angeles na ginanap sa Seda Hotel, Vertis North nitong Martes ng tanghali.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovi Poe Blencowe (@lovipoe)


Ani Lovi, “I remember before when I was starting I was told I’m gonna share it na lang that I was never gonna make it because I was dark-skinned.

“I was never gonna make it because I don’t have (boobs)…I’m flat-chested. At nag-stick sa akin yun kasi hindi ako nagpatalo sa ganu’ng comment,” anang aktres.

Umaming nakaapekto sa kanya ang mga negatibong komento tungkol sa kanya at imbes na magmukmok ay naging hamon ito para paghusayan niya ang kanyang trabaho.

“I was like, ‘You know what? Who cares? You know what, I’ll just do me’ and I was just like, ‘If they don’t want that I’m flat-chested, I don’t care. Gagalingan ko na lang sa pag-arte. Gagalingan ko na lang sa ibang aspect, and so what?’ I have that ‘so what’ attitude,’” katwiran ni Lovi.

Habang nagkakaedad at nagma-mature ay natutunan na ng aktres ang self-care at dito na siya naging conscious sa lahat ng kinakain niya, mga rituals niya bago matulog, pagkagising at kapag may trabaho.

“Kasi sino pa ba ang magmamahal sa sarili mo even more than anyone else kung hindi ikaw din lang naman, ‘di ba? And you know, everything suddenly came through. And hindi na siya naging problem for me.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovi Poe Blencowe (@lovipoe)


“You know I’m gonna stand my ground, I’m happy as long as I’m happy, I feel happy more than anything else biglang nawala na sa isip ko,” diing sabi pa ng aktres.

Natanong din si Lovi kung naisip niyang magpadagdag ng boobs at umamin naman, “Should I? Kasi I remember telling me I should do my breast done I was like but I’m so paranoid, sa totoo lang.

“I’m too paranoid to do anything like that. So, I’m happy that I didn’t. Because now, I can wear anything I want. Sa totoo lang, nakakainggit ‘yung mga taong may side boob (natawa). Pag nakikita ko sila, sana all!” natawang sabi ni Lovi.

Baka Bet Mo: Heart Evangelista sinagot ang tanong kung bakit wala sa kasal ni Lovi Poe

At dahil may asawa na siya, hindi na raw niya kailangan ng boob job, “Kaya nga what makes you different and what makes you shine and what makes you who you are, make you stand out for sure.”

Nabanggit din lang ni Lovi ang tungkol sa asawa niya na sa susunod na linggo ay pauwi ng Pilipinas si Ginoong Montgomery “Monty” Blencowe na nakabase sa Los Angeles, USA dahil magsisimula na silang mag-shoot ng pelikulang ididirek ni Jerrold Tarog na silang mag-asawa ang producer.

Kaya natanong din kung mahirap ba ang long distance relationship o LDR, “It’s not the typical set-up for sure and if we want to spend 24/7 with them it will be good.

“Pero ganu’n talaga minsan it’s just how it is for some people who have jobs abroad and I think it is more like international and global and mahirap talaga, you find the right balance and it’s just important that you guys meet on the middle, you find time,” esplika ni Mrs. Blencowe.

Apat na taon munang LDR sina Monty at Lovi bago sila nagpakasal noong Agosto 26, 2023 sa England at ngayong mag-asawa na sila at kahit supportive pa sa kanyang career ay may conscious effort na sa parte ng aktres na gumawa ng paraan para magkita sila.

Speaking of maraming trabaho at maraming endorsements kasama na ang SCD na isang beauty product ay nasa kontrata ba nito na bawal siyang magbuntis o may pregnancy clause?

Ang SCD CEO na si Ms. Gracee ang sumagot, “Ay wala naman, we are supporting Lovi whatever she wants kasi ang beauty producs ng SCD ay may pangbuntis naman din.”

Samantala, nagpapasalamat si Lovi dahil muli siyang pinagkatiwalaan ni Ms. Gracee bilang mukha ng Skin Care Depot sa ikalawang taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya, “I’m just so happy to be part of this family and thank you so much for having me.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending