Heart Evangelista sinagot ang tanong kung bakit wala sa kasal ni Lovi Poe | Bandera

Heart Evangelista sinagot ang tanong kung bakit wala sa kasal ni Lovi Poe

Therese Arceo |September 01,2023
facebook
share this

Heart Evangelista sinagot ang tanong kung bakit wala sa kasal ni Lovi Poe

Therese Arceo - September 01, 2023 - 03:38 PM

Heart Evangelista sinagot ang tanong kung bakit wala sa kasal ni Lovi Poe

MARAMI sa mga netizens ang na-curious kung bakit absent ang Kapuso actress-socialite na si Heart Evangelista sa kasal ng Kapamilya actress na si Lovi Poe.

Matatandaang naganap ang pag-iisang dibdib nina Lovi at Monty Blencowe noong Sabado, August 26, sa Cliveden House sa Taplow, Berkshire, England.

At sa kabila ng selebrasyon ng pag-iibigan ng dalawang bagong kasal ay may mga nakapansin na Marites kung bakit tila missing in action ang kaibigan ni Lovi na si Heart.

Kaya naman palaisipan sa madlang pipol kung hindi na nga ba malapit ang dalawa sa isa’t isa.

Bukod pa rito, may kumakalat na video sa TikTok kung saan may nagbigay kulay sa pagiging absent ni Heart sa kasal ng kaibigan.

Binasag na nga ng Kapuso actress ang kanyang katahimikan at sinagot ang isyu para matigil na rin ang mga nang-iintrigang netizens.

“My dad is in the hospital,” maiksing paliwanag ni Heart sa comment niya sa video noong August 28.

Bandera IG

Baka Bet Mo: Lovi Poe umiyak sa kasal nila ni Monty Blencowe sa UK dahil sa mga sinabi ni Grace Poe: ‘I see in you qualities of the father I really loved’

Matatandaang nagkatrabaho noon ang dalawa sa pelikulang “Temptation Island” na ipinalabas noong 2011.

Simula noon ay naging malapit na sina Heart at Lovi sa isa’t isa.

Bukod pa rito, bumida rin ang dalawa sa mga defunct Kapuso primetime series na “Legacy” noong 2012 at “Beautiful Strangers” noong 2015.

Hindi rin naiwasang mag-usisa ng madlang pipol kung kumusta na ang relasyon ng dalawa dahil isa si Lovi sa mga naging bridesmaids ni Heart nang ikasal ito kay Senator Chiz Escudero noong February 2015.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Bela Padilla ibinandera ang makabagbag-damdaming simula ng friendship nila ni Lovi Poe; ngayon lang nakapag-thank you

Heart Evangelista nais ma-normalize ang ‘occasional crying’, paalala niya: ‘perfection is not of this world’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending