Lovi Poe ikinasal na kay Monty Blencowe sa Berkshire, England: 'I have found the one who makes my soul sing' | Bandera

Lovi Poe ikinasal na kay Monty Blencowe sa Berkshire, England: ‘I have found the one who makes my soul sing’

Reggee Bonoan - August 27, 2023 - 08:06 AM

Lovi Poe ikinasal na kay Monty Blencowe sa Berkshire, England: 'I have found the one who makes my soul sing'

Lovi Poe at Monty Blencowe

IKINASAL na sina Lovi Poe at Monty Blencowe kahapon, Agosto 26, sa ganap na 5 p.m. (oras sa UK) sa malawak na garden ng Cliveden House, Berkshire, England.

Limang taong tumagal ang relasyon nina Lovi at Blencowe at three years engagement bagon sila tuluyang lumagay sa tahimik.

Nag-post ang events host at influencer na si Tim Yap sa kanyang Instagram stories, bandang alas-dose ng hatinggabi (oras sa Pilipinas) na naglalakad si Lovi mag-isa patungo sa asawang si Monty.

Ang caption ni Tim sa video post ni Lovi, “’I wanna savor this moment,’ said @lovipoe as walked down the aisle to become Mrs. @montyblencowe #LoviGoesfullMonty.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Naunang lumakad sa aisle ang ring bearer, limang flower girls, apat na bridesmaids at ang Mommy Rowena Moran ni Lovi.

Ang wedding dress ni Lovi ay gawa ng Filipina fashion designer na si Patricia Santos-Yao styled by fashion stylist na si Adrianne Concepcion, malapit na kaibigan ng aktres at nagsilbing bridesmaid at the same time.

Habang naglalakad si Lovi ay natatawa siya at sabay sabing, “I wanna savor this moment.” Napansin naming nagpunas ng kanyang mga mata si Monty nang sinalubong niya ang kanyang bride.

Tinutugtog naman sa pamamagitan ng Harp at Cello ang awiting “Pangarap Ko Ang Ibigin Ka” ni Regine Velasquez ng dalawang English musicians.

Baka Bet Mo: Lovi Poe nagpaalam muna sa ‘Batang Quiapo’ ni Coco Martin, nagpe-prepare na sa kasal nila ni Monty Blencowe?

Ipinost ng aktres ang larawan ng dalawa niyang sessionistas, “I have found the one who makes my soul sing (red heart emoji). #LoviGoesFullMonty.”

Bago ang kasal ay ipinost ni Lovi ang whole picture ng Cliveden House na ginawa noong 1666 ng 2nd Duke of Buckingham bilang regalo sa kanyang mistress at naging tirahan din ito ng ilang miyembro ng British Royal Family.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovi Poe Blencowe (@lovipoe)


Ang caption ng aktres sa Cliveden House, “You give me butterflies.”

Anyway, ang nasabing famous hotel with 47 rooms ang naging tirahan ni Lovi kasama ang kanyang mga bisita na dumating galing Pilipinas bago ang takdang araw ng kasal.

Dito rin ginawa ang welcome party kung saan ipinost din ng aktres na nanonood sila ng fireworks ni Monty na ang caption ay, “Bubba (Babe), you’re a firework.”

Samantala, ang mga bisitang dumalo sa kasal nina Lovi at Monty base sa video post ni Tim Yap ay ang ate ng bride na si Sen. Grace Poe-Llamanzares kasama ang anak na si Bryan Llamanzares, ang kuya nitong si Ronian Poe, Isabelle Daza, Bela Padilla, ang manager ng aktres na si Leo Dominguez with friends and staff, reporter friend Jun Lalin, friends to everybody na si Bernard Cloma at ang mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho.

Ayon kay Dra. Vicki, matagal na nilang alam ang tungkol sa kasal pero tikom ang bibig nila bilang respeto sa mga ikinasal at nagpasalamat din dahil naging parte sila ng pag-iisang dibdib nina Lovi at Monty na hindi naman binanggit kung ninang at ninong sila ng dalawa.

Hindi rin dw alam ni Doc Vicki kung sinu-sino ang mga imbitado dahil doon lang sila magkikita-kita.

Anyway, congratulations and best eishes Monty and Lovi!

Lovi Poe binalikan ang pagpo-propose sa kanya ni Monty Blencowe: ‘It happened so fast, I said yes!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lovi Poe matagal nang engaged kay Monty Blencowe: ‘We’ve shared and celebrated this moment quietly with our family and closest friends’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending