Movie nina Kelvin at Kira lalaban sa Jinseo Arigato Int’l Film Fest 2024
LILIPAD patungong Japan sina Kelvin Miranda at Kira Balinger para dumalo sa kauna-unahang Jinseo Arigato International Film Festival o JAIFF na magsisimula sa May 24.
Isa sa mga napiling entry sa naturang festival ang pelikula nina Kelvin at Kira na “Chances Are You and I” mula sa direksyon ni Catherine “CC” Camarillo, produced by Pocket Media Productions and Happy Infinite Productions to be distributed by Regal Entertainment.
Ayon kay Direk Catherine, hindi niya inaasahang makakasali sa JAIFF ang kanilang movie na ipalalabas doon sa May 25 at 26.
Baka Bet Mo: Kelvin inamin ang tunay na feelings kay Kira: Totoo po ang naramdaman ko
Kaya naman umaasa ang buong production na magugustuhan ng mga manonood sa festival ang “Chances Are, You and I”
“Sana mas marami pang tao ang maka-appreciate ng pelikulang Filipino. Kasi the reason why I joined the festival is to showcase also ang gawa natin sa abroad and ma-touch din natin ang mga Filipino na andoon na talagang hungry to watch Filipino films.
View this post on Instagram
“Pwede nilang mai-share rin na makita at magkaroon sila ng koneksiyon (sa movie) gaya ng mga ginagawa natin na sino-showcase sa mga Filipino,” ang pahayag ng direktor sa naganap na presscon ng pelikula recently.
Sa Nagoya, Japan na maraming Pinoy naka-concentrate ang pagpapalabas ng pelikula dahil sabi ni direk Catherine, “Marami kasing Pinoy doon. First time ko sumali ng festival at hindi ko expected na makukuha kasi naka-align kami to do theater run here (Philippines).
“Pero noong nabigyan kami ng pagkakataon na i-showcase roon at mabigyan ng spot ang entrym siyempre po sino ang hindi magga-grab ng opportunity to showcase our movie abroad at ma-touch din ang mga Filipino na andoon na talagang hinihintay tayo,” sabi pa ng filmmaker.
Baka Bet Mo: Kira Balinger nilayasan ang toxic BF; may ‘bad memory’ sa isinuot na swimsuit
Ano nga ba ang magiging bentahe ng “Chances Are, You and I” sa iba pang kalahok sa JAIFF para pasukin ito ng mga manonood?
“First it’s uniquely Filipino. Marami ang makare-relate sa pelikula and relatable siya at nakita naman natin na bago ang mga artista.
“Na-curious din sila kung sino itong magagandang artista natin. Actually natutuwa kami sa mga comment sa social media na akala nila Hollywood ang film. And nang nalaman nilang Pinoy, they are all too proud na mayroon tayong ganoong iso-showcase,” aniya.
For her part naman, naniniwala si Kira na relatable ang istorya ng kanilang movie lalo na ang karakter nila ni Kelvin, “I think our characters can be relatable for brain tumor patient or people with mental illnesses.
View this post on Instagram
“I think our characters played a big part in setting public awareness. Anything something that has to do with health na for some reasons people are afraid to talk about it.
“So I hope because of our characters, because of our stories even though thus has not touch entirely on that I hope that it could be part of the conversation for them and for people who are going through mental illness I hope they could be inspired by our character,” sabi ng Kapamilya actress.
Sey naman ng Kapuso star na si Kelvin, “Hindi lang naman dahil sa brain tumor para maantig ang puso nila. Makikita kasi nila rito kung paano pinapasok ‘yung desisyon.
“Kung hahayaan mo na lang ba na tadhana ang magdesisyon sa iyo o ikaw mismo ang magdedesisyon para sa tadhana. Isa pa ang family, OFW, lahat-lahat, eh.
“Hindi lang naman siya basta romance, alam naman natin na may kanya-kanyang drama sa buhay, don’t give up on eveything. Lahat ng bagay mayroong solusyon, dahilan kung bakit ipinagkaloob sa iyo ‘yun,” dagdag ni Kelvin.
Ka-join din sa movie sina Jin Ho Bae, Tart Carlos, Anne Feo, Gian Magdangal at Al Tantay. Showing naman ito sa mga sinehan nationwide simula sa May 29.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.