Vice Ganda ibinandera ang kwento sa likod ng ng viral video

Vice Ganda ibinandera ang kwento sa likod ng ng viral video

Therese Arceo |May 15,2024
facebook
share this

Vice Ganda ibinandera ang kwento sa likod ng ng viral video

Therese Arceo - May 15, 2024 - 01:47 PM

Vice Ganda ibinandera ang kwento sa likod ng ng viral video

IKINUWENTO ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang kwento sa likod ng kanyang naging konsepto sa kanyang nag-viral na video entry sa “Piliin Mo Ang Pilipinas” challenge.

Matatandaang nitong nagdaang linggo ay nag-post at nakisabay na rin ang “It’s Showtime” host sa nauusong challenge sa social media na sinalihan rin ng iba pang artista at mga personalidad.

At pinatunayan nga ni Vice na hindi siya basta basta papakabog at hindi lang puchu-puchu ang ilalabas niyang video.

True naman talaga ang branding ni Meme dahil agad na nag-viral at umani ng magagandang komento ang kanyang video entry mula sa mga kapwa artista, mga kilalang personalidad, at pati na rin sa madlang pipol.

Baka Bet Mo: Vice Ganda: Kahit ang hirap mong ipaglaban, pipiliin pa rin kita Pilipinas

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ipinakita rin kasi ni Vice ang iba’t ibang social issues na kinakaharap ng banda mula sa hirap na dinaranas ng mga komyuter at ng mga drayber na apektado sa pag-phase out ng mga tradisyunal na pampasaherong jeep. Ang mataas na building na nagmistulang “photobomber” sa bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta Park, ang kontrobersyal na resort sa gitna ng Chocolate Hills, at ang usapin ukol sa West Philippine Sea.

Sa huli ay sinabi ng komedyante na kahit ang daming mga isyu ng bansa, pipiliin niya pa rin itong mahalin.

Sa kanyang panayam sa ABS-CBN News ay inamin ni Vice na talagang inisip niyang maigi ang kanyang magiging atake sa viral video upang maipaabot ang kanyang nais iparating sa madlang people.

“Ayoko naman ‘yong basta sumakay lang sa trend. I thought of making use of the trend for a very special purpose. Contrast siya. ‘Yong Pilipinas kasi hindi lang siya puro maganda.

“Ang realidad ay meron ding hindi magandang sitwasyon, merong hindi magandang bahagi ang Pilipinas. Pero ano’t anoman ‘yan, pipiliin mo pa rin siya at ipaglalaban mo ang Pilipinas,” pagbabahagi ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kabila raw ng pagiging proud sa bansa ay dapat aware rin ang mga tao sa mga isyu na ating kinakaharap.

“Bukod sa ipinagmamalaki natin ‘yong magagandang aspeto ng Pilipinas, dapat gising at aware din tayo sa katotohanan, sa hindi magandang katotohanan sa paligid natin. Hindi puwedeng ‘yong maganda lang ang alam natin.

“Maganda rin ‘yong alam natin ‘yong hindi magagandang bahagi nito.
“Ayoko naman ‘yong basta sumakay lang sa trend. I thought of making use of the trend for a very special purpose,” sey pa ni Vice Ganda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending