Michelle tine-terrorize manliligaw ni Ysabel: Layuan mo anak ko!

Michelle Ortega tine-terrorize manliligaw ni Ysabel: Layuan mo anak ko!

Ervin Santiago - May 14, 2024 - 12:15 AM

Michelle Ortega tine-terrorize manliligaw ni Ysabel: Layuan mo anak ko!

Michelle at Ysabel Ortega

HINDI nagtatago ng sikreto ang Kapuso actress na si Ysabel Ortega sa nanay niyang si Michelle Ortega na dati ring artista.

Bukod sa pagiging magnanay, parang mag-BFF din daw ang turingan nina Ysabel at Michelle kaya madali silang magkaintidihan kapag may mga isyu at problema.

“Very honest ako sa kanya. I don’t keep secrets para ganoon din siya sa akin. Magsasabi rin siya sa akin kung ano ang totoo,” ang pahayag ni Michelle sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

Baka Bet Mo: Miguel, Ysabel exclusively dating; ‘Firefly’ special screening star-studded

Sabi maman ng Kapuso youngstar, “That’s the misconception, kapag sinabing single mom, very protective sila sa anak nila.

“Parang nagiging shield sila sa mundo. I feel like in some way, naging ganu’n din ako sa mama ko. Kami ‘yung naging sandalan ng isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michelle Ortega – Pimentel (@michellerortega)


“Hindi man aminin ng mom ko, may mga times na kailangan din niyang maging vulnerable, maging weak. Hindi ka naman palaging strong.

“May mga times na ako ‘yung malakas sa aming dalawa kapay mga times na maraming pinagdadaanan ‘yung mom ko,” lahad ni Ysabel.

Nilinaw din ni Michelle ang mga isyu tungkol kay Ysabel at sa tatay nitong si Sen. Lito Lapid. Aniya, never pinabayaan ng actor-public servant ang kanilang anak.

“In fairness naman Tito Boy, ‘yung biological dad niya, naging mabuti naman sa kanya. Lalo na nu’ng time na kami pa, always present siya, eh.

“Very hands on siya actually. Hindi rin naman ako ‘yung tipo nang maninira. Wala rin naman akong isisira dahil mabait naman po ‘yung tao,” sey ni Michelle na 10 years na ngayon ang nakalilipas mula nang maghiwalay sila ng senador.

Baka Bet Mo: Miguel sa bagong leading lady: Exciting para sa akin ang loveteam na ‘to kasi si Ysabel ang kasama ko

Sabi ni Ysabel, naging honest ang nanay niya sa pagkukuwento ng tunay na sitwasyon nila sa buhay ni Sen. Lapid, “I asked a lot of questions and my mom answered them all.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michelle Ortega – Pimentel (@michellerortega)


“She was very honest with me and kung itatago ng mom ko kung anong nararamdaman niya, Hindi ko siguro maiintindihan Tito Boy.

“Mas nag-root po ako sa mama ko na, ‘Mommy, kailangan mong maging masaya,’ I’m strong, independent and brave because of mama,” sey pa ni Ysabel.

Reaksyon naman ni Michelle, “I had to be honest lang sa kanya tito Boy. The kind of relationship that I had with her father, may life span lang ‘yon. I didn’t see myself growing old with him.

“We all know that he has his own family. And very happy ako dahil nagkaroon ako ng Ysabel. So naintindihan ‘yon ng anak ko. Ysabel grew up knowing her father has a family talaga na tunay,” sabi pa ng celebrity mom.

Nagpapasalamat din si Ysabel kay Sen. Lapid dahil proud na proud din sa kanya ang ama, “Si Papa po ‘yung nagpaaral sa akin and I’m very grateful for that. I feel like he’s very proud of all the businesses na napatayo ko, no’ng naka-graduate ako and sa career ko he’s very proud.

“Sa Voltes V, nakanood din daw siya. Pinanood ko sa kanya ‘yung mga action videos ko. And ginaya ko ‘yung signature moves ni papa, sabi niya, ‘Oh akin ‘yan ah.’ Sabi niya, ‘Nasa dugo.’ So I’m proud kasi ipinagmamalaki ko siya eh,” saad ni Ysabel.

Samantala, kinumpirma ni Ysabel na naipakilala na rin niya ang kanyang boyfriend na si Miguel Tan Felix kay Sen. Lapid, “Napakilala ko po si Miguel sa kanya. Siyempre may pangaral, actually mas istrikto po ‘yung nanay ko, eh.

“Ang sinabi lang po ng Papa ko is, ‘Alam ba ng nanay mo?’ Nu’ng sinabi niya na, ‘Opo’ naging chill na siya. Mas si mama po ‘yung pulis sa kanilang dalawa,” natatawang sey pa ng aktres.

Nagbigay naman ng reaksyon si Michelle nang matanong ni Tito Boy kung bigla na lang magpaalam si Miguel na gusto na niyang pakasalan si Ysabel.

“Hindi po ako papayag, 25 pa lang ‘yung anak ko. Hindi ko po talaga matatanggap. Mabait naman po ‘yung bata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yung ibang nanliligaw sa kanya before tine-terrorize ko. ‘Layuan mo ang anak ko. Bawal siyang mag-boyfriend. Bawal pa siyang ligawan.’ Ganu’n po ako kaistrikto talaga,” sey ni Michelle sabay laugh nang malakas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending