Alden 'personal' driving instructor na ni Kathryn, true ba?

Alden ‘personal’ driving instructor ngayon ni Kathryn, true ba?

Reggee Bonoan |May 10,2024
facebook
share this

Alden ‘personal’ driving instructor ngayon ni Kathryn, true ba?

Reggee Bonoan - May 10, 2024 - 06:06 PM

Alden naging 'personal' driving instructor na ni Kathryn, true ba?

Alden Richards, Kathryn Bernardo

LAGING nasa bahay nina Kathryn Bernardo si Alden Richards.

Ito ang ibinalita sa “Showbiz Update” vlog nina Ogie Diaz, Dyosa Pockoh at Mama Loi na ibinandera sa YouTube channel recently.

“Tuluy- tuloy na nga ang part 2 ng ‘Hello Love Goodbye,’ alam n’yo meron nga nagparating sa akin na nakakatuwa naman kahit na walang shooting ay patuloy na dumadalaw si Alden sa bahay nina Kathryn,” panimula ni Ogie.

“Ayy talaga? ohh,” kinilig na reaksyon ni Mama Loi.

Tsika naman ni Ogie, “Oo, e, nakikita ng mga gardeness (gardener), Sir (bati ni Alden), ‘Uy kayo pala ‘yan Sir Alden’.”

Baka Bet Mo: Rommel ‘hoping’ na magkakabalikan pa sina Kathryn, Daniel: ‘I still pray!’

“Ay binabati siya ‘nay?” tanong ni mama Loi.

“Siyempre alam mo naman napakamagiliw naman ni Alden lagi naman talaga ‘yan ‘di ba?  Kahit hindi nakangiti parang nakangiti pa rin, ganu’n si Alden.

“Iyon nga siyempre laging excited ‘yung mga kasama sa bahay ni Kathryn kapag nandon si Alden. Oo, ang saya-saya talaga namin that night,” kwento ni Ogie.

Gulat ang reaksyon ni Dyosa Pockoh at ni Mama Loi sabay tanong ng huli, “kasama ka sa bahay?”

Tila nagulat din si Ogie o baka nagbiro lang, “ay sorry, sorry.”

Hirit ni Dyosa Pockoh, “Dati tito Ogie, si Daniel (Padilla) ang dumadalaw sa bahay, ngayon si Alden na at tuwang-tuwa mga kasama sa bahay? (ipinakita ang video na nagkakasayahan).”

“Ganu’n naman talaga siguro sa mga kasama sa bahay ni Kathryn kung sino ang makakapagpangiti, sino ang makakapagpasaya kay Kathryn, ‘di ba?  lalo na’t welcome na welcome si Alden doon (sa bahay).”

Sa madaling salita ay simple joys ang naibibigay ni Alden sa leading lady niya sa HLG2.

Samantala, pinagda-drive raw ng Kapuso actor ang Kapamilya actress sa paligid lang sa village kung saan nakatira ang huli, base sa kwento ni Ogie na narinig din daw nga niya ito.

Kaya ang tanong tuloy ni Mama Loi, “O ano na naman ang narinig mo?  Baka mapaano na naman tayo?” Saka nagtawanan ang tatlo.

“Si Alden sabi ng ano ro’n (kwento sa village) na si Alden daw ang mag-drive sa pali-paligid doon kay Kathryn,” sey ng host.

Tanong agad ni Mama Loi, “Ay driving instructor na rin si Alden?”

“Pag mahal mo naman ‘di ba, iisipin mo po ba ang estado mo sa buhay?” sagot ni Ogie.

Dagdag pa, “Ang cute lang na tinuturuan ni Alden si Kathryn.”

Tila kinilig na sabi naman ni mama Loi, “Ganu’n ‘yung mga nanliligaw, e.”

“Di ba lahat gagawin?” sambit ni Ogie.

At bumalik sa alaala ni Mama Loi na ganyan din daw ‘yung manliligaw niya noon na tinuruan siyang mag-drive.

Pambubuking naman ni Ogie, “Tapos ang ending, binilhan mo siya ng kotse kasi siya na ang unang natuto, ‘di ba?”

“Oy, wala akong nabilhan ng kotse ha, wala talaga!” tanggi ni Mama Loi na dahil nanonood pala ang mommy niya at sabay sabing, “’Wag po kayo maniwala, alam n’yo namang palabiro si ‘nay Ogie.”

Samantala, may mga nagsabing ginagamit lang ni Alden si Kathryn dahil mas sikat ang dalaga at ipinakita rin ang mga comments sa binata.

Pagtatanggol ni Ogie, “Nabasa ko rin ‘yan, eh. Nu’ng napalapit si Alden kay Kathryn ‘mangga’ raw si Alden manggagamit, e, naniniwala ako pag ang isang artistang may karapatang manggamit pag walang napatunayan, ‘yung walang pangalan, ‘yung walang nararating at ‘yung starlet pa lang. Kapag sikat ka at gumamit ka ng sikat din, hindi ‘yan gamitan, suportahan ‘yan!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Susog din ni Mama Loi, “Tsaka (manggagamit) kapag ikaw kumukuha tapos ikaw din nagpo-post, e, ibang tao naman ‘yung nagpo-post base sa mga nakikita nila do’n sa dalawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending